Linggo, Hulyo 31, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- X --)

-- X --

         Noong Baitang V ako, tuwang tuwa yung ilang mga guro ko sa'kin lalo na yung adviser ko. Kasi akalain mo ba naman malakas ako magrecite at medyo magaling ako sa math. Meron din akong tropa non na lagi kong kasama- sa pasukan, sa uwian. Magkalapit lang naman kami ng bahay kaya minsan sabay na kami pumasok.

         Unang araw ng klase namin , may kapansin pansin na isang babae na galing private school. Natawa ako kasi nang recess na namin naghanap siya ng juice, langya may katok ata iyon o naisip ko lang baka naligaw ng landas yun. Halos hindi ako makarecover non, napakasimple lang naman pero sadyang mababaw talaga ako. Kasi napaka commonsense naman na sa Public School Tray lang ang hinahatid sa classroom (kasama na din yung tindang puto ni Ma'am). Para siyang naghanap ng isang batis sa gitna ng desyerto.

        Asar na asar sakin yun, araw-araw kasi hindi kumpleto ang pagpasok ko nang hindi ko siya aasarin, dagdagan pa ng tropa ko na lagi kong kasama, sabog talaga at mas pipiliin niya na lang umuwi ng bahay at manood ng mojako o yung Dragon Ball na paulit-ulit. "Juice please", yan ang sentence of the month namin, ito kasi yung pangasar namin sa kanya. Eh kasi isipin mo naman di ba? Juice?  Sino ba namang timang iyon. Aaminin ko galing din ako sa Private bago magbaitang IV pero hindi ako naghanap ng juice, binili ko na lang kung anong meron sa tray. Galing nga kasi sa private school kaya naintindihan ko siya. Habang tumatagal naman nakikibagay siya sa mga estudyante ng Public tulad ng ginagawa ko, nakikiangkop ako lalo na sa pakikipagsocialize. Palakaibigan kasi ako kaya kahit sino maaari kong maging kaibigan kahit nga mga gangster kaibigan ko.

        Si babae ayos na ang ugali. Kaya nga lang dahil sa palaasar kong ugali eh nahulog ata ang damdamin sakin. Hindi siguro ang Gravity ang nagtulak sa kanya para mahulog sakin. Totoo yung sinsabi ko, walang halong biro. Ngayon, kung iniisip mong may halong biro to pwede ka nang tumalon sa bubong ng bahay niyo pababa para malaman mo kung gaano kalakas ang gravity na sinasabi ko (biro lang!).

         Ginawa na niya ang lahat ng style ng pagpapacute sakin. Tumabi habang nagsusulat ng mga nakalagay sa chalkboard, makipagwentuhan sakin, makipagsulatan, ayusin ang gamit ko sa room, tumingin sakin at sumunod sakin kung saan man ako minsan magpunta. Kung itatanong mo kung ano ang pakiramdam ng ganon? Syempre super saya halos yung ngiti mo aabot na sa patilya mo at malamang yung facial muscles mo nakangiwi kasi palagi ka na lang nakangiti. Normal na sa nagaaral yan, crush na sinasabi na paghanga lang. Sa totoo lang hindi ko siya gusto at hindi ko alam kung bakit may pobya ako sa mga babae, ako na mismo yung lumalayo.

         Fieldtrip namin non sa suki ng mga elementary school sa bansa kasi dun lang matutuwa ang mga batang tulad ko, Star City! Sa bus nagpapahiwatig na siya. nakipagpalit siya ng upuan sa classmate ko. Ang laki ng problema ko kaya umiwas ako ng kaunti. Sa Star City, doon ako naglibang kahit may mga uamaaligid na ewan sakin. Nakakasawa nga kasi sa Bus kasama ko na siya maging sa Star City ba naman kasama ko parin siya. Syempre kapag sumama siya, sasama din ang ibang classmates ko kaya dumami kami. Sumunod sila sakin, mahilig pa naman ako sa mga horror house kaya pinasukan ko ang "The Mummy". Nagsisunod naman sila, una palang halos mawasak na ang ear drum ko sa tili ng mga babae kong classmates. syempre jackpot yung mga classmate kong lalaki kasi napapayakap sa kanila  yung mga babae. Hindi mo maipinta ang mga muka nila kasi yung ngiti nila halos lahat ng ipin kita. Si babae napayakap din sakin, wala naman akong magagawa kasi nandon na nga at halos napaiyak na din yung iba sa kanila kaya minadali namin na makalabas doon. Pagpasok ko ng horror house na'yon ayos pa ang uniform ko pero paglabas ko, para akong dinaanan ng bagyo, ang gulo ng uniform ko at yung ID ko nakapulupot na sa leeg ko. Kaya nagpalit na lang ako ng damit. Sinakyan ko lahat ng trip ng mga classmates ko, ayoko naman kasi maging "loner" (tawag yun sa mga nagsosolo), Kaya no choice ako, kasama ko parin si babae kahit anong mangyari.

          Pagkatapos non dumiretso na kami sa bus, uwian na at medyo malayo pa ang byahe namin. Halos mga gabi na din kami nakatapos kay pagod na pagod na ang lahat. Katabi ko nanaman si babae sa Bus. Kumakain ako nun at napansin ko na nakatulog na siya. Syempre kahit  papano may konsensya ako, isinandal ko yung ulo niya sa balikat ko kasi sobrang antok na niya nakakaawa naman. Napansin ko ang ganda niya habang natutulog. buti na lang hindi siya tulo laway. Nagising siya, nagulat siya na nakasandal na yung ulo niya sa balikat ko. Ayos lang naman kasi sakin yun, kaya sinabi ko na nakatulog siya at naisandal niya yung ulo niya sa balikat ko.

           Nagtapos ang Fieldtrip ko na masaya kasama ang mga classmates ko, mga classmates kong mga loko-loko na nagsabi na manhid daw ako. (edi kung manhid ako nakipagaya na ko ng suntukan sa kanila, manhid eh walang nararamdaman). Umuwi ako sa bahay na nakngiti at ikinuwento ko ang lahat ng nangyari sa mga magulang ko. Patawa nilang sinabi na nagbibinata na daw ang anak nila. Ayos! Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko gusto yung babae na yun kahit sabihin na maganda siya. Siguro crush oo pero never ko siyang nagustuhan, Nagulat nga ako na kami daw. Syempre babae siya at malamang masasaktan siya sinagot ko "oo". Nakasama ko din siya sa MTAP noon, isang nakakalulang Math Seminar tuwing sabado kaya naman araw-araw kami magkasama.

           Nawala yung motto ko na "Single is the Best", pero single naman talaga ako eh hindi ko naman talaga gusto na magka GF. Kung baga inspiration lang, hindi naman ako sumasabit o nalalaglag sa Top eh. Oo tama ang nabasa mo, isa akong kapita-pitagang Achiever sa klase simula pa noong baitang IV ako, nang lumipat ako sa pampublikong paaralan na pinapasukan ko. Hindi naman siguro masama magmahal, syempre bata ka pa kaya limitahan muna, dapat hanggang crush lang. Ang love kasi ay hindi dapat gawing kasangkapan para magpasaya. "Love is not an instrument for you to be happy". Iset a side muna dapat ang hindi importante, sa totoo lang kaya yung iba naliligaw ng landas dahil sa love na yan at halos ilang porsyento ang tumitigil sa pagaaral dahil sa pagmamahal (mas mababa sa porsyento ng mga pumapasok lang dahil sa baon). Habang bata pa bakit hindi pagtuunang pansin ang pagaaral diba? Sabi nga ni Dr. Rizal, kaibigan ng guro ko sa Hekasi, "kabataan ang Pagasa ng bayan". Bakit hindi natin panindigan?

Sabado, Hulyo 16, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- IX --)


-- IX --


          Paulit ulit akong tinatanong ng mga tao (malamang magulat ka kung hayop ang magtanong) kung bakit ako nagpublic nung elementary, ang sagot ko simple lang. TRIP KO! Siguro ako na ang isa sa mga pinakamalakas ang trip sa mundo pero biro lang yun, sa Pilipinas lang. Mas masaya kasi subukan ang ilang mga nakakapanibagong bagay na hindi mo alam kung ano ang kinahahantungan nito, kulang na lang sa lakas ng trip mo haharangin mo yung MRT sa edsa taft o di kaya naman yung naglalakihang bus sa Maynila pero Paalala ko lang hindi maganda tong trip na to. Kung nakainom ka naman ng Cobra (Pasensya nagadvertise) at nakita mo sa commercial yung lalaki na pagkatapos niya uminom ng Cobra ay nakaya niya humarang sa riles ng tren, aba nagkakamali ka, isa lamang kathang isip yun.

          Balik tayo sa usapang trip, Noong Baitang IV ako, sinubukan kong lumahok sa ilang mga seminaryo upang malaman kung ano ang maaring nandoon. Una ang Science Review kung saan piling mga Top/Honor students ang kasali at mageexam para ipresenta ang paralan. At isa ako sa mga top nandoon, National Science Test ata yun. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagtulak sakin dun eh, hindi naman sapilitan ang pagsali doon. Halos maubos ang dugo ko sa pinagaralan naming agham. Pero madami akong natutunan. Kung paano umiikot ang mundo sa araw, kung bakit hindi agad namamatay ang apoy ng kandila.

 Sumunod naman ang Boy Scouts of the Philippines, isang fraternity (oragnisasyon pala) na nagsasanay sa mga magaaral na maging isang tunay at mabuting mamamayan ng Pilipinas, Dito walang sakit na mararamdaman, pagod, sakit sa ulo, at unting kahihiyan lang naman ang matatanggap mo kasi may workshop din yun, parang theater arts kung saan matuto kang sumayaw, kumanta, umaarti at magpatawa. Noong una nahihiya talaga ako sa mga ginagawa namin doon ngunit kinalaunan eh naging mayos naman. Simpleng member lang ako ng Patrol Maya non, simpleng boy scout. Tapos may neckerchief at kalabaw na isang mahalagang simbolo sa pagiging boy scout. Naalala ko pa yung unang overnight camping namin, Masaya na  nakakapanibago kasi nakahiga ka sa sahig ng silid-aralan kasama ang kapatrol mong mga tulo laway, may bonfire na tatagal ng ilang oras at hihintayin niyo matapos ang isang seremonya, kakain kayo ng tutong na malatang kanin kasama ang sardinas at cornbeef at higit sa lahat, WALANG LIGO. Di ba ansaya? Pero naging Masaya naman ang awarding kasi may mga natanggap kaming award matapos ang overnight camping na naganap.

Ito lamang ang ilan sa mga trip ko, idagdag mo pa yung MTAP, isang pagsasanay sa matematika na talaga naman ay mapapahiya ka kapag nagkamali ka kasi puro matatalino ang mga kasama mo, yung tipong kahit mga code sa computer gamit ang number base ay alam nila at parang may hard disk na nagtataglay ng malaking gigabytes sa sobrang talino. Sa totoo lang lagi akong nagkakamali at nangongopya ng sagot sa seminar na’yon, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin dun sa MTAP na’yon pero atleast mayroon akong Certificate, dagdag koleksyon nanaman. Baitang V ako non nung naisapan kong sumali sa MTAP na’yon napalaglag ang panga ko. Ang tanong pa doon.

1. Magdalena buys a Pizza that cost 375 and it has 8 slices, how much is the cost of per slice pizza?

Yung mga tipong ganyan ang itatanong sa seminar nyo, ano bang kinalaman ni Magdalena sa training at bakit kailangan pa sya isama sa training. Ano naman kung bumili siya ng Pizza? Parang si kaso lang ni Ana na bumili ng mansanas.

2. What is the circumference of the circle if its radius is 187.89?

         
Hindi ba masaya pagaralan yan pero mahirap na kung magtetest. Siguro yung mga kontra matematika ( yung madalas bumabagsak sa Math ) ay magtatanong ng ganto : Bakit, kailangan ba ng Circumference kapag bibili ka sa palengke? Ito ung mga loko-lokong tanong eh, mga lakas trip din yan.

          Trip ko din dati ang mangolekta ng mga certificate na maaring kunin sa pinagtripan kong seminar. Siguro yun ang nagtulak sakin upang pumasok sa mga seminar at pagsasanay tulad ng Boyscout, pero maporma ang boy scouts ah lalo na pag nakauniform pero hindi naman uniform ang habol ko doon. Isa pa, ako yung taong laging naghahanap ng bago, “something new” hika nga. At doon, magkakaroon ka ng isang ideya kung ano ang isang bagay. Hindi mo makikita ang isang bagay kung hindi mo titingnan, hindi mo maaamoy ang isang bagay kung hindi mo ito aamuyin, hindi mo malalasahan ang isang bagay kung hindi mo ito titikman at hindi mo madidinig ang isang bagay kung hindi mo ito papakinggan. Simple lang, Hindi mo malalaman kung hindi mo aalamin.

      
  Maganda naman ang kinalabasan ng trip ko, sabi nga, “you must be go beyond the limitations”. Ang salitang HINDI KAYA ay nasa sa isip lamang. Limitasyon, ito kasi ang lagi nating iniisip, na ito lang ang kaya ko kaya hanggang ganito lang ako. May mga talent ka na balang araw ay matutuklasan mo at sadyang lalabas kung ito’y iyong tutuklasin.

Pero hindi lahat ng trip ay maaring mapunta sa isang magandang kinahahantungan, madalas kailangan mo muna magisip upang malinawagan sa mga bagay-bagay bago mo pasukin ang trip na gusto mo, bago ka ngumuya ng graba o uminom ng gasolina isipin mo na kung makakabuti yun o makakasama. Bago ko pasukin ang mga trip na nabasa niyo, pinagisipan ko muna kung tama ba o mali ang papasukin ko.

          Ang trip dapat ilalagay sa ayos. Masama ang pangtitrip ng tao ha, yung tipong sasaktan mo siya ng walang dahilan, ibang trip na’yon at malamang ang award mo nun ay trip to guidance councilor at may chance ka pang makaharap ang principal at faculty together with your family (parang promo lang ah). Kaya sa mga gusto ng unique at something new, sige lang magexplore lang kayo, Nasa kagustuhan niyo parin kung anong kakalabasan ng trip niyo, kung ang bunga ba nito ay masama o kung ang bunga nito ay mabuti. Kung mabuti ang bunga ng trip niyo, bakit hindi niyo subukan, wala naman masama kung susubukan hindi ba?