-- IX --
Paulit ulit akong tinatanong ng mga tao (malamang magulat ka kung hayop ang magtanong) kung bakit ako nagpublic nung elementary, ang sagot ko simple lang. TRIP KO! Siguro ako na ang isa sa mga pinakamalakas ang trip sa mundo pero biro lang yun, sa Pilipinas lang. Mas masaya kasi subukan ang ilang mga nakakapanibagong bagay na hindi mo alam kung ano ang kinahahantungan nito, kulang na lang sa lakas ng trip mo haharangin mo yung MRT sa edsa taft o di kaya naman yung naglalakihang bus sa Maynila pero Paalala ko lang hindi maganda tong trip na to. Kung nakainom ka naman ng Cobra (Pasensya nagadvertise) at nakita mo sa commercial yung lalaki na pagkatapos niya uminom ng Cobra ay nakaya niya humarang sa riles ng tren, aba nagkakamali ka, isa lamang kathang isip yun.
Balik tayo sa usapang trip, Noong Baitang IV ako, sinubukan kong lumahok sa ilang mga seminaryo upang malaman kung ano ang maaring nandoon. Una ang Science Review kung saan piling mga Top/Honor students ang kasali at mageexam para ipresenta ang paralan. At isa ako sa mga top nandoon, National Science Test ata yun. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagtulak sakin dun eh, hindi naman sapilitan ang pagsali doon. Halos maubos ang dugo ko sa pinagaralan naming agham. Pero madami akong natutunan. Kung paano umiikot ang mundo sa araw, kung bakit hindi agad namamatay ang apoy ng kandila.
Sumunod naman ang Boy Scouts of the Philippines, isang fraternity (oragnisasyon pala) na nagsasanay sa mga magaaral na maging isang tunay at mabuting mamamayan ng Pilipinas, Dito walang sakit na mararamdaman, pagod, sakit sa ulo, at unting kahihiyan lang naman ang matatanggap mo kasi may workshop din yun, parang theater arts kung saan matuto kang sumayaw, kumanta, umaarti at magpatawa. Noong una nahihiya talaga ako sa mga ginagawa namin doon ngunit kinalaunan eh naging mayos naman. Simpleng member lang ako ng Patrol Maya non, simpleng boy scout. Tapos may neckerchief at kalabaw na isang mahalagang simbolo sa pagiging boy scout. Naalala ko pa yung unang overnight camping namin, Masaya na nakakapanibago kasi nakahiga ka sa sahig ng silid-aralan kasama ang kapatrol mong mga tulo laway, may bonfire na tatagal ng ilang oras at hihintayin niyo matapos ang isang seremonya, kakain kayo ng tutong na malatang kanin kasama ang sardinas at cornbeef at higit sa lahat, WALANG LIGO. Di ba ansaya? Pero naging Masaya naman ang awarding kasi may mga natanggap kaming award matapos ang overnight camping na naganap.
Ito lamang ang ilan sa mga trip ko, idagdag mo pa yung MTAP, isang pagsasanay sa matematika na talaga naman ay mapapahiya ka kapag nagkamali ka kasi puro matatalino ang mga kasama mo, yung tipong kahit mga code sa computer gamit ang number base ay alam nila at parang may hard disk na nagtataglay ng malaking gigabytes sa sobrang talino. Sa totoo lang lagi akong nagkakamali at nangongopya ng sagot sa seminar na’yon, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin dun sa MTAP na’yon pero atleast mayroon akong Certificate, dagdag koleksyon nanaman. Baitang V ako non nung naisapan kong sumali sa MTAP na’yon napalaglag ang panga ko. Ang tanong pa doon.
1. Magdalena buys a Pizza that cost 375 and it has 8 slices, how much is the cost of per slice pizza?
1. Magdalena buys a Pizza that cost 375 and it has 8 slices, how much is the cost of per slice pizza?
Yung mga tipong ganyan ang itatanong sa seminar nyo, ano bang kinalaman ni Magdalena sa training at bakit kailangan pa sya isama sa training. Ano naman kung bumili siya ng Pizza? Parang si kaso lang ni Ana na bumili ng mansanas.
2. What is the circumference of the circle if its radius is 187.89?
Hindi ba masaya pagaralan yan pero mahirap na kung magtetest. Siguro yung mga kontra matematika ( yung madalas bumabagsak sa Math ) ay magtatanong ng ganto : Bakit, kailangan ba ng Circumference kapag bibili ka sa palengke? Ito ung mga loko-lokong tanong eh, mga lakas trip din yan.
Hindi ba masaya pagaralan yan pero mahirap na kung magtetest. Siguro yung mga kontra matematika ( yung madalas bumabagsak sa Math ) ay magtatanong ng ganto : Bakit, kailangan ba ng Circumference kapag bibili ka sa palengke? Ito ung mga loko-lokong tanong eh, mga lakas trip din yan.
Trip ko din dati ang mangolekta ng mga certificate na maaring kunin sa pinagtripan kong seminar. Siguro yun ang nagtulak sakin upang pumasok sa mga seminar at pagsasanay tulad ng Boyscout, pero maporma ang boy scouts ah lalo na pag nakauniform pero hindi naman uniform ang habol ko doon. Isa pa, ako yung taong laging naghahanap ng bago, “something new” hika nga. At doon, magkakaroon ka ng isang ideya kung ano ang isang bagay. Hindi mo makikita ang isang bagay kung hindi mo titingnan, hindi mo maaamoy ang isang bagay kung hindi mo ito aamuyin, hindi mo malalasahan ang isang bagay kung hindi mo ito titikman at hindi mo madidinig ang isang bagay kung hindi mo ito papakinggan. Simple lang, Hindi mo malalaman kung hindi mo aalamin.
Maganda naman ang kinalabasan ng trip ko, sabi nga, “you must be go beyond the limitations”. Ang salitang HINDI KAYA ay nasa sa isip lamang. Limitasyon, ito kasi ang lagi nating iniisip, na ito lang ang kaya ko kaya hanggang ganito lang ako. May mga talent ka na balang araw ay matutuklasan mo at sadyang lalabas kung ito’y iyong tutuklasin.
Pero hindi lahat ng trip ay maaring mapunta sa isang magandang kinahahantungan, madalas kailangan mo muna magisip upang malinawagan sa mga bagay-bagay bago mo pasukin ang trip na gusto mo, bago ka ngumuya ng graba o uminom ng gasolina isipin mo na kung makakabuti yun o makakasama. Bago ko pasukin ang mga trip na nabasa niyo, pinagisipan ko muna kung tama ba o mali ang papasukin ko.
Ang trip dapat ilalagay sa ayos. Masama ang pangtitrip ng tao ha, yung tipong sasaktan mo siya ng walang dahilan, ibang trip na’yon at malamang ang award mo nun ay trip to guidance councilor at may chance ka pang makaharap ang principal at faculty together with your family (parang promo lang ah). Kaya sa mga gusto ng unique at something new, sige lang magexplore lang kayo, Nasa kagustuhan niyo parin kung anong kakalabasan ng trip niyo, kung ang bunga ba nito ay masama o kung ang bunga nito ay mabuti. Kung mabuti ang bunga ng trip niyo, bakit hindi niyo subukan, wala naman masama kung susubukan hindi ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento