-- X --
Noong Baitang V ako, tuwang tuwa yung ilang mga guro ko sa'kin lalo na yung adviser ko. Kasi akalain mo ba naman malakas ako magrecite at medyo magaling ako sa math. Meron din akong tropa non na lagi kong kasama- sa pasukan, sa uwian. Magkalapit lang naman kami ng bahay kaya minsan sabay na kami pumasok.
Unang araw ng klase namin , may kapansin pansin na isang babae na galing private school. Natawa ako kasi nang recess na namin naghanap siya ng juice, langya may katok ata iyon o naisip ko lang baka naligaw ng landas yun. Halos hindi ako makarecover non, napakasimple lang naman pero sadyang mababaw talaga ako. Kasi napaka commonsense naman na sa Public School Tray lang ang hinahatid sa classroom (kasama na din yung tindang puto ni Ma'am). Para siyang naghanap ng isang batis sa gitna ng desyerto.
Asar na asar sakin yun, araw-araw kasi hindi kumpleto ang pagpasok ko nang hindi ko siya aasarin, dagdagan pa ng tropa ko na lagi kong kasama, sabog talaga at mas pipiliin niya na lang umuwi ng bahay at manood ng mojako o yung Dragon Ball na paulit-ulit. "Juice please", yan ang sentence of the month namin, ito kasi yung pangasar namin sa kanya. Eh kasi isipin mo naman di ba? Juice? Sino ba namang timang iyon. Aaminin ko galing din ako sa Private bago magbaitang IV pero hindi ako naghanap ng juice, binili ko na lang kung anong meron sa tray. Galing nga kasi sa private school kaya naintindihan ko siya. Habang tumatagal naman nakikibagay siya sa mga estudyante ng Public tulad ng ginagawa ko, nakikiangkop ako lalo na sa pakikipagsocialize. Palakaibigan kasi ako kaya kahit sino maaari kong maging kaibigan kahit nga mga gangster kaibigan ko.
Si babae ayos na ang ugali. Kaya nga lang dahil sa palaasar kong ugali eh nahulog ata ang damdamin sakin. Hindi siguro ang Gravity ang nagtulak sa kanya para mahulog sakin. Totoo yung sinsabi ko, walang halong biro. Ngayon, kung iniisip mong may halong biro to pwede ka nang tumalon sa bubong ng bahay niyo pababa para malaman mo kung gaano kalakas ang gravity na sinasabi ko (biro lang!).
Ginawa na niya ang lahat ng style ng pagpapacute sakin. Tumabi habang nagsusulat ng mga nakalagay sa chalkboard, makipagwentuhan sakin, makipagsulatan, ayusin ang gamit ko sa room, tumingin sakin at sumunod sakin kung saan man ako minsan magpunta. Kung itatanong mo kung ano ang pakiramdam ng ganon? Syempre super saya halos yung ngiti mo aabot na sa patilya mo at malamang yung facial muscles mo nakangiwi kasi palagi ka na lang nakangiti. Normal na sa nagaaral yan, crush na sinasabi na paghanga lang. Sa totoo lang hindi ko siya gusto at hindi ko alam kung bakit may pobya ako sa mga babae, ako na mismo yung lumalayo.
Fieldtrip namin non sa suki ng mga elementary school sa bansa kasi dun lang matutuwa ang mga batang tulad ko, Star City! Sa bus nagpapahiwatig na siya. nakipagpalit siya ng upuan sa classmate ko. Ang laki ng problema ko kaya umiwas ako ng kaunti. Sa Star City, doon ako naglibang kahit may mga uamaaligid na ewan sakin. Nakakasawa nga kasi sa Bus kasama ko na siya maging sa Star City ba naman kasama ko parin siya. Syempre kapag sumama siya, sasama din ang ibang classmates ko kaya dumami kami. Sumunod sila sakin, mahilig pa naman ako sa mga horror house kaya pinasukan ko ang "The Mummy". Nagsisunod naman sila, una palang halos mawasak na ang ear drum ko sa tili ng mga babae kong classmates. syempre jackpot yung mga classmate kong lalaki kasi napapayakap sa kanila yung mga babae. Hindi mo maipinta ang mga muka nila kasi yung ngiti nila halos lahat ng ipin kita. Si babae napayakap din sakin, wala naman akong magagawa kasi nandon na nga at halos napaiyak na din yung iba sa kanila kaya minadali namin na makalabas doon. Pagpasok ko ng horror house na'yon ayos pa ang uniform ko pero paglabas ko, para akong dinaanan ng bagyo, ang gulo ng uniform ko at yung ID ko nakapulupot na sa leeg ko. Kaya nagpalit na lang ako ng damit. Sinakyan ko lahat ng trip ng mga classmates ko, ayoko naman kasi maging "loner" (tawag yun sa mga nagsosolo), Kaya no choice ako, kasama ko parin si babae kahit anong mangyari.
Pagkatapos non dumiretso na kami sa bus, uwian na at medyo malayo pa ang byahe namin. Halos mga gabi na din kami nakatapos kay pagod na pagod na ang lahat. Katabi ko nanaman si babae sa Bus. Kumakain ako nun at napansin ko na nakatulog na siya. Syempre kahit papano may konsensya ako, isinandal ko yung ulo niya sa balikat ko kasi sobrang antok na niya nakakaawa naman. Napansin ko ang ganda niya habang natutulog. buti na lang hindi siya tulo laway. Nagising siya, nagulat siya na nakasandal na yung ulo niya sa balikat ko. Ayos lang naman kasi sakin yun, kaya sinabi ko na nakatulog siya at naisandal niya yung ulo niya sa balikat ko.
Nagtapos ang Fieldtrip ko na masaya kasama ang mga classmates ko, mga classmates kong mga loko-loko na nagsabi na manhid daw ako. (edi kung manhid ako nakipagaya na ko ng suntukan sa kanila, manhid eh walang nararamdaman). Umuwi ako sa bahay na nakngiti at ikinuwento ko ang lahat ng nangyari sa mga magulang ko. Patawa nilang sinabi na nagbibinata na daw ang anak nila. Ayos! Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko gusto yung babae na yun kahit sabihin na maganda siya. Siguro crush oo pero never ko siyang nagustuhan, Nagulat nga ako na kami daw. Syempre babae siya at malamang masasaktan siya sinagot ko "oo". Nakasama ko din siya sa MTAP noon, isang nakakalulang Math Seminar tuwing sabado kaya naman araw-araw kami magkasama.
Nawala yung motto ko na "Single is the Best", pero single naman talaga ako eh hindi ko naman talaga gusto na magka GF. Kung baga inspiration lang, hindi naman ako sumasabit o nalalaglag sa Top eh. Oo tama ang nabasa mo, isa akong kapita-pitagang Achiever sa klase simula pa noong baitang IV ako, nang lumipat ako sa pampublikong paaralan na pinapasukan ko. Hindi naman siguro masama magmahal, syempre bata ka pa kaya limitahan muna, dapat hanggang crush lang. Ang love kasi ay hindi dapat gawing kasangkapan para magpasaya. "Love is not an instrument for you to be happy". Iset a side muna dapat ang hindi importante, sa totoo lang kaya yung iba naliligaw ng landas dahil sa love na yan at halos ilang porsyento ang tumitigil sa pagaaral dahil sa pagmamahal (mas mababa sa porsyento ng mga pumapasok lang dahil sa baon). Habang bata pa bakit hindi pagtuunang pansin ang pagaaral diba? Sabi nga ni Dr. Rizal, kaibigan ng guro ko sa Hekasi, "kabataan ang Pagasa ng bayan". Bakit hindi natin panindigan?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento