Miyerkules, Disyembre 7, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- XI --)

     
-- XI --

          BOY SCOUT, LAGING HANDA!
          Masaya ang mga Overnight Camping sa paaralan, mas masaya pa sa paglalike ng status sa Facebook at pagtingala sa kisame ng iyong bahay. Sa Scouting ko natutunan ang lahat, kung paano magtiis, kung paano ayusin ang sarili, kung paano disiplinahin ang iyong buhay at mga kapwa mo, kung paano magseryoso sa ilang mga bagay at higit sa lahat makipagkapwa tao.

          Malaki din ang naitulong ng scouting sa aking buhay. Una, isa lang akong simpleng miyembro ng isang patrol hanggang sa naging Over all leader ako kasama ang tatlong kapwa scout ko.

            Noong una kong maranasan ang camping, siyempre naninibago ako. 
Grade IV ako nang maranasan ko ang unang camping sa buhay ko. Masaya ang scouting, lalo na ang bonfire na nilalagay sa gitna ng mga nakapaligid na scouts at may seremonya iyon bago simulan na sindihan. Tapos gagawa kayo ng play, siyempre pipili kayo ng mga mas nakakatawa at sasamahan yun ng cheer ninyo, bawal ang KJ (pagKJ, iihawin sa gitna ng bonfire; biro lang!) Pagkatapos nun, papabalikin na kayo sa mga silid aralan kung saan nakaasign yung patrol ninyo. Wala ako sa bahay namin, ang higaan ko lang ay isang kumot at unan, kanin na hilaw na medyo tutong ang pagkain ko na sasamahan pa ng isang delatang cornbeef at higit sa lahat, IDLIP lang ang nagawa ko. Ewan ko ba pero nagustuhan kong sumali sa mga ganong extra curricular activities kahit hindi ako marunong kumain ng sardinas.
             
              Nakakatawa kasi kung mararanasan mo, may makikita kang tulo laway habang natutulog (akala mo signal no. 4 na sa sahig), yung iba nananaginip magisa na sasabayan pa ng pagsasalita, may nakanganga, nakangiti, at may malikot matulog. Gigising kayo ng 4am, kakain, maghihilamos, magtutoothbrush at maglilinis ng katawan (samahan mo na din ng pangungulangot). At higit sa lahat, ang exercise. Magpaparada kayo sa buong barangay na para bang mambubulahaw kayo ng mga tao, kulang na lang buhusan kayo ng kumukulong tubig. Habang nagpaparada naman, ang mga scouts master ay tila ba naghahanda ng mga adventure trails na may mga kakaibang stations ( tulad ng station 1 : kakain ka ng bubog, station 2: iinom ka ng diesel pero biro lang yun) na kung saan susubukan ang pasensya at abilidad mo. Puro putik dun kaya kahit maginarte ka, kung sino pang mga bayaning tawagin mo eh wapakels. Pagbalik ng mga scouts sa paaralan matapos ang parada, mayroon silang 2 oras para magluto ng tanghalian bago simulan ang adventure trails. Matapos maluto, sinimulan na ang adventure, gapang sa sahig, takbo dito, takbo dyan, hanap ng pinapahanap, at ang masaya swimming sa putikan (akala mo isang batyang MILO ang nilagay). Sumunod nun ang tanghalian kung saan kakain kayo ng hilaw na malatang sunog na kanin na hahaluaan ng sardinas, cornbeef, at tuna (dagdagan na din ng maling, bagoong, tuyo, hotdog, tinapa, daing, alamang para kanin baboy na). At ang huli ay ang awarding, best patrol, best scouts best in cheering, most behave na patrol at ang pinakamagandang award: NAKAKANGANGA AWARD at TULO LAWAY AWARD.

            Hanggang sa maging Grade 6 na ko, at isa na kong ganap na leader ng mga sindikatong scouts (biro lang), kami naman ang nagparanas ng naranasan namin sa scouting. Kami na lang ang watcher kung paano nila tatapusin ang mga challenge sa adventure trails. Pero mahirap parin ang maging leader ng mga scouts, tatlo kami noon pero nagkakasundo kami sa mga balak na gagawin, kami ang nagaayos ng mga bagay-bagay na gagamitin at kami ang naguutos kung ano ang mga dapat gawin ng mga scouts. Pito (whistle)  ang sandata namin para mapasunod ang kapwa namin scouts at kami ang nasusunod. Kahit mahirap man ang naranasan ko bago ako maging leader, ayos lang worth it naman; tyaga at sipag ang naging puhunan ko para maabot lang iyon.


           Masarap din ang feeling na maging Achiever ka sa klase, totoo yun. Kasi halos pagtitinginan ka ng mga kaklase mo. Popular ka din kasi nga napopost yung pangalan mo sa chalk board (kadalasang tinatawag na blackboard).  Tradisyonal na din sa mga paaralan na ginaganap ang Recognition day (ito ay parang SONA na pipilitin kang pumalakpak) pagkatapos ng Graduation day. Siyempre bago ganapin ang mga ganong pagdiriwang, kinakailangan ng practice, kung paano maglakad, kumuha ng certificate, umupo, makipagkamay at kung paano magdala ng sariling upuan. Bawal ang makulit, bawal ang magulo, at higit sa lahat bawal ang absent minded- iyon yung mga wala sa sarili na akala mo ay laging nagpapantasya. Halos dalawang taon ko din ito nagawa, nung Grade IV ako na 4th honor at Grade V na 3rd honor. Handa kana, ayos na ang uniform mo, bagong shine ang sapatos, nakagel ang buhok at maayos na din ang muka mo, Recognition day na. Sa totoo lang yung napractice namin, malayo sa katotohanan. Pano mas magulo pa sa mga kuliglig ang itsura ng recognition day kung saan maingay , nagtatayuan at nagkekwentuhan lang sabay bigla kayong sasabihan "around of applause please" sabay papalakpak kayo. Automatic yan!

            Ang paghihirap ko ay nasuklian sa Recignition day, ang pagpupursigi ko na magkaroon ng mataas na grado nang sa ganon ay matuwa naman ang mga magulang ko (at mabili ang gusto ko). Pursigido ako magaral at ginagawa ko ang lahat ng kaya ko. Sabi nga ng tropa kong si Pablo Picasso, "
Action is the foundational key to all success.Ngayon, kung gusto mo talaga magtagumpay, siyempre kailangan mo din gumalaw, hindi yung nakatunganga ka lang at sinasanay ang sarili sa kung ano ang meron. At isa pa, hindi sapat na matalino ka lang, marunong ka din dapat makisama.
           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento