Linggo, Mayo 1, 2011

walang pasok! basa ang chalk board (-- II --)

-- II --

        Siguro nung bata kapa, nginangatngat mo din ang pambura ng lapis mo para makapagbura? Di  naman kaya'y nakikipagunahan sa pagsulat ng nakalagay sa pisara? Nagtutupi ng papel para makagawa ng eroplano? Nakikipagbato bato pick?
       
            Sa totoo lang nung bata ako simula prep hindi ako nagpapahatid sa magulang ko, kasi ituring ka pa naman sanggol (eh bata ka pa nga nun?). Nakita mo na siguro noong ika'y musmos pa lang at papasok na sa prep, yung mga bata naglulupasay, umiiyak at sumisigaw (daig mo pang nasa mental). Kasi simpleng bagay lang naman, gusto ng mga magulang nila na makapagaral sila at matutong mamuhay sa paaralan na ang kasama ay classmates lang. Doon ko unang nakaharap ang black board, nagtaka nga ako dati kung bakit black board ang tawag dun kahit na green ang kulay nito sa totoo lang.

           Unang pasok, unang kaligayahan kasi para sakin ay isa itong adventure, yung tipong may thrill. Syempre una sa lahat ang payabangan, paramihan ng lapis, pagandahan ng pencil case, pakapalan ng papel, at palupitan ng bag. Uso pa naman dati ang digulong na bag na lalagyan ng mga libro namin at nagpapagaan ng buhay namin sa pagpasok. Sa klase din na yun makaclasify mo sila, (oh diba may classification din sa NKP noh?). Una yung mga wild, sila yung ayaw pumasok ng paaralan  at gusto sumama sa tadyang ng nanay nya na kahit anong paliwanag ay wa epek sa kanya, minsan sya ang VIP sa unang klase kasi sya ang unang napapansin ng teacher, pangalawa ay yung mga iyakin lang, sila ay umiiyak lang kapag iniwan ng nanay nila, hindi sila tulad ng mga wild na naglulupasay sa sahig, pangatlo naman ay yung mga cool, kahit iwanan lang ng nanay nila eh ayos lang sa kanila, laging chilax at parang matagal na syang nagaaral (may baon naman eh, chaka proud yung nanay nito). Pang apat ay yung mga sutil, sila yung iiyak at tatakbo sa labas ng classroom para habulin yung nanay nila, mas malala pa ito sa wild. Ito lang yung mga napansin ko sa unang klase ko sa paaralan kaya nakakatuwang alalahanin sila.

        Napakabait talaga ng teacher namin non as in hindi ka magsisi na nagaral ka sa paaralan na yun. Kasi akalain mo ba naman, susubuan ka ng teacher mo ng pagkain kapag recess time, ang sarap di ba? Chaka masaya talaga kapag nasa NKP ka, ikaw yung tipong naglalarong nagaaral (combination ng naglalaro at nagaaral) kasi lahat ng paglalaruan mo nasa loob na mismo ng classroom niyo. Malamang hindi ka talaga mababagot nun (sayang mo lang hindi pa uso ang DOTA nun).

         Sa School madalas eh paligshan ang lalahukan mo, ala gameshow ang dating kaso ang price ay hindi cash kundi grade at bituin sa kamay. Naalala ko nung NKP pa ko, ang pinakamaraming stars sa kamay ay malamang magaling yun. Iyon kasi ang palatandaan ng mga batang very good eeh. Nagkaroon din ako nyan umabot nga sa braso kulang na lang tatakan ka sa muka tapos pag uwi mo eh pagkakalat mo sa chismoso mong kaibigan na may star ka sa kamay, mamamangha ang kaibigan mo at sasabihin sayo "wow ang galing mo naman pano mo nakuha yan?" tapos yung nanay mo daig pa ang nanalo sa weteng, tuwang tuwa! Mas nanaisin mo na hindi na maligo para very good ka araw araw, eh pano naman yung mga hindi nakakuha ng star? Ah baka ang nakareserve kasi sa inyo ay ang solar system, baka hindi kasya kaya hindi tinatak.

         Sa NKP doon ko din naramdaman ang unang pagkamuhi ko, yung tipong pinagkaisahan ka ng tao tapos bumaliktad ang panahon para sa'yo, Christmas party ba naman, syempre may kainan at pagkatapos nun eh bigayan na ng regalo. Sa pagaakalang maganda ang nakuha ko ay agad agad ko itong binuksan. Hiniling ko muna na sana ay robot yun o kotse kotsehan para madagdagan ang mga magaganda kong laruan ko pero dun ako nagkamali, ang nakuha ko ay isang teleponong sumasagot ng "may I help you?" at kumakanta ng barbie, doon ko narealize na  may mga bagay talaga na hindi para sa'yo. Sa halagang 100.00 pinagkaluno ako ng nakabunot sa pangalan ko.


           Ansaya maging bata, kasi makikita mo yung walang problema na nakangiti at masaya naman talaga na bakas na sa pagmumuka nila, yung tipong ok lang lagi. Hindi pa kasi uso ang projects non bata pa ko eeh, wala pang exams per month at higit sa lahat wala pang clearance. Hindi pa ramdam ang gravity ng pagaaral non (na 9.8m/s kung hindi ako nagkakamali?
). kahit nagaaral ka, mas lamang parin ang laro lalo na paguwi mo sa bahay ay maglalaro ka na lang kasama ang pawisin at matataba mong kaibigan tapos sa gabi ay magaaral ka uli kasama ang iyong nanay


              Masarap balikan ang nakaraan, lalo na nung bata ka pa lang at pinapainom ka pa ng gatas ng iyong nanay at sisigawan ka pa kasi pasaway ka. Yung tipong lahat ay magagawa mo kasi bata ka, pwede ka manuntok sasabihin lang ng tao " wag mo patulan bata yan eeh". Kasi nga hindi ka nila maari patulan baka makasuhan sila ng child abuse.
 
                 May kasabihan ngang "Ang iyong mga alaala ay isang kayamanan" (maari bang isangla yan?). May isa pa ngang kasabihan na " the past is a part of your future " kaya naman madaming nagiisip bata, biro lang! hay... buhay nga naman talaga mabilis lumipas ang panahon, talaga naman na ang alaala mo nung bata ka pa ay isang alaalang hindi malilimutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento