Sabado, Mayo 21, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- VII --)



-- VII --



            Handa na kong pumasok nun para sa grade III mayo pa lang, kasi bago nanaman ang mga gamit mong lapis at papel. Handa kana din makipagyabangan sa classmates mo, kung baga isa ka sa mga pulitiko na nanunumbat kung ano ang nagawa mo at kung ano ang meron ka. Inaantay ko na talaga non ang pasukan kasi akalain mo ba naman na araw araw ka lang makikipaglaro sa mga lokoloko mong kaibigan ng habulan o matayataya, kahit mga larong kalye nung panahon ng bato malalaro nyo na din eeh.


            Sinusulit ko talaga ang pagkabata ko noon ng saganon hindi masayang ang panahon ng pagiging bata ko. Sabi nga sa internet, "Childhood is the most beautiful of all life's season" (source: www.qoutegarden.com). Totoo naman talaga na ang pagiging bata ay ang pinakamagandang part ng buhay mo. Dagdag pa nga ni Helen Hayes, "Childhood is a short season". kumbaga ito nga ang pinamagandang part ng buhay kaso maikli nga lang.  Yun nga lang dahil sa pagiging bata ay may mga murang kaisipan pa ko kaya naman nakaladkad ako ng truck. (Dumapo na rin ang sakit na KATA sa mura kong edad). Mahilig kasi ako sumampa sa likod ng truck pag may dumadaan sa kalye ng village namin kaya yun ang naging bunga ng pagkakagulong gulong ko sa kalsada.

            Nakakainis talaga yung pakiramdam na iniiwanan ka dahil sa mga rason ng mga tao sa bahay nyo. Ayaw nila ako isama kasi may malayo daw silang pupuntahan, iyon pala bumili sila ng grocery at mga gamit ko para sa pasukan. Di ba nakakainis? Sarili mong magulang nagsinungaling sayo pero ang tinuturo nila be honest. Pero naintindihan ko sila kasi pano ba naman pagsinama nila ako madagdagan yung gagastusin nila at malamang hindi sasapat ang dala nilang pera.

             At sa wakas grade III na ko, dun padin sa private school na pinapasukan ko. Yung school na transformers ang dating. (Nagevolve na bahay to school). Wala naman kakaiba kaso naging panghapon ako. Nakakainis lang kasi maglalakad ako ng super init. Masaya ang Grade III life ko isipin mo yun ibang section ako pero may nakasama naman akong mga classmate ko nung grade II kaya hindi naman ako alone. Sa totoo lang malaki ang naitulong sakin ng tutorial  lalo na sa math, laking tuwa ko na nga lang at multiplication table ang pinapasaulo samin nun. Hanggang ngayon hindi ko parin makuha ang concept ng pagmumultiply sa sampong daliri na mayroon ang kamay mo. (kasama na ang Kpop sa hindi ko maintindihan). Alam mo lahat ng estudyanteng nagaaral ay tahimik sa unang araw yan parang lahat naman ganto pero pagdating sa kalagitnaan ng taon parang mga animal yan sa discovery chanel at kaps amazing story kung mag ingay at magwala.

             Ang pinakamasayang part siguro ng buhay ko sa grade III ay ang pangingisay ng classmate ko na akala mo ay may malalang sakit. Matagal syang nanahimik sa klase. Bigla na lang may dumampi sa mga ilong namin na akala mo ay may dumaan na Garbage Truck sa harapan mo kaya naman mapapatakip ka ng ilong sa sobrang tapang ng amoy. Alam mo na kung ano yun at kung ano man ang iniisip mo kung bakit sya nanahimik at nangisay ay tama ka.

            Siguro nga hindi pa talaga mahirap sa panahon ng elementary hindi tulad sa College na kailangan pa ng entrance exam para makapasok sa College or University, Kasi dapat sisihin ang nilalang na nagimbento at nagpauso ng entrance exam, sa kanya ibunton ang sisi kung bakit ang mga college students ngayon ay napakalaki ng hirap. Siguro bulakbol talaga ako ng grade III ako. Puro kalokohan lang talaga ang ginagawa ko sa paaralan namin at minsan nga, inaasar ko pa ang mga guro ko non.

             Talaga namang napakalakas ng trip ko at aminado ako doon, Bunga ng lakas ng trip ko at kata na rin, nakagawa nanaman ako ng isang bagay na nakapagpahiya at nakapagpapula sa puwit ko dahil sa palo. Yung mga classmates ko kasi binabato yung isang tae, pumupulot sila ng maliliit na bato na binabato nila sa tae. Sa sobrang lakas ng trip ko napaisip ako, bakit kaya maliliit ang bato na binabato nila bakit hindi na lang malaki na bato nang sa ganon ay hindi sila mahirapan. Napukaw ang atensyon ko sa isang haloblock at yun ang pinambato ko. Hulaan mo kung anong nangyari? Pero wag na ikekwento ko na lang nang sa ganon malaman mo. Si tae na binato ko tumalsik sa damit ko. Siguro hindi ko nacalculate kung gaano kalawak ang angle, circumference ng tatalsikan ng tae. at nasobrahan siguro sa force kaya naman napakalakas ng pressure na naging dahilan sa malakas na pagtalsik ng tae sa uniform ko. (applicable din pala ang physics noh?). Napatawa ko sila ng sobra pero halos mamatay na ko sa kahihiyan non. Bakit kasi hindi ko muna inisip kung ano ang bunga ng ginawa ko, ayan nasa huli ang pagsisi at  ang palo kasi paguwi ko nagsimula na ang paglilitis sayo na may kasamang armalite na bungangang hindi nauubusan ng boses at isang malutong na malutong na palo (akala mo chickenjoy ng jollibee no?)

             Sa lahat ng mga malulusog ang katawan alam ko ang paborito nyong buwan, ang buwan ng nutrisyon. Ito ang buwan kung san kakainin mo ang pinagbabawal na pagkain tulad ng sitaw, kalabasa, ampalaya, patola at marami pang iba. Ayos lang ang prutas kasi matamis pero bakit hindi ko trip ang gulay lalo na ang repolyo? Parang naisip ko lang, ano ako kambing, kalabaw o kabayo para kainin yan? Alam ko ganyan din ang natanong mo sarili mo, huwag ka magalala pag kumain ka na naman nyan hindi ka magiging petrang kabayo. Pinagdala kami ng mga gulay at sa mismong school niluto yun. Ang resulta naging exotic na pagkain ang naluto at pinangalanang PAKBET, doon nagsimula ang alamat ng pakbet. Kaya naman hindi ako kumain at mas ninais kong manood ng Hunter x Hunter sa bahay at Dragon Ball, nabuhay na si magimboo kaya umuwi ako. (palusot ka lang sabihin mo ayaw mo lang ng gulay)

              Sa totoo lang sa buong buhay ko sa elementary wala akong matinong christmas gift na natanggap. Parang hindi umaayon ang panahon sakin. Lagi na lang ako pinapahiya ng expectation ko. Sa halaga na napagkasunduan eh wag ka ng aasang maganda ang makukuha mo. Payo ko lang sa inyo kapag exchange gift, perahin nyo na lang (para may pandota kau. BIRO lang!)

             Naiinis talaga ako sa mga periodical exams namin at talaga namang mas pipiliin mo na lang magtatatakbo sa kalsada. Kasi may naencounter nanaman akong tanong tulad nito.

1. Aida buys an apple costs P 5.00. How much she spend if she buys 5 apples?

             Diba ang hirap? Hindi ko talaga alam kung may mali sa grammar kasi hindi ko sya mabasa ng isang beses lang at paulit ulit ko syang binabasa. Hindi ko rin alam kung bakit pinakikialaman namin si Aida. Kaanu-ano ba ni Ma'am si Aida at bakit sya nasali as exam namin. Chaka napaisip ako bakit ang mura ng mansanas e per kilo nga binebenta yun, niloloko ata kami ni ma'am. Siguro may pinagdadaanan kaya naman napakabitter ng tanong, kung baga sa nobela ng mga batikang manunulat, mapapaiayak ka.

              Siguro nasa 4th grading na yan kaya napakahirap sa part ko, kasi nga hindi naman ako matalino tulad ng mga Valedictorian na naghahakot ng bilog na bakal na nakalagay sa isang makulay na tela. Ako yung tipong tao na hindi mo maasahan na magpaparty ang magulang kasi nagkaroon sya ng top. Pano kaya kung nagkaron ako ng top nung grade III ako? Baka atakahin sa puso ang mga nasa bahay? Baka ipaalbularyo nila ako at baka naengkanto ako? o baka magpamisa sila?

              "Life goes on no matter what happens"

             
Ipagpatuloy mo kung ano ang nasimulan mo. Wag mo sisihin ang guro mo kung bakit hindi ka nagiging achiever at wag mong panggigilan ang mongol mo dahil hindi mo na solve ang problem ni aida nung bumili sya ng apple. Isipin mo na ang lahat ng nangyari ay bunga ng kagagawan mo at ng classmate mo kasi hindi sya nagparaya (biro lang !). Isipin mo na kung kaya ng iba kaya mo rin.



            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento