-- III --
Sa totoo gusto ko makagawa ng libro kaya naman itutuloy ko na to (mura lang naman ang pabook bind eeh). Gusto ko maishare ang mga nalalaman ko, sabi nga "share what you have learned" kaya ibabahagi ko ito (sinusulat ko tong draft na to habang kasal ni prince wiliam at kate, pero wala silang kinalaman dito kaya hayaan mo na. Swerte mo kung mabasa mo to)
Unang pasok ko sa grade I, ito yung steping stone, unang tatapakan mo. Sa private school ako pinasok ng mga magulang ko kaya naman tuwang tuwa ako, yung school bahay lang talaga na nagtransform sa classroom at nasa loob ng street yun pero improving sya ngayon (oo tama ka autobots sya). Isa yon sa mga private school sa Salawag, Dasmarinas City pero nasa kalahati na ata ako ng taon nun kaya nawalan ako ng libro, buti na lang malupit yung nanay ko kaya naman pinaxerox nya yung mga libro, nakakaawang nilalang talaga ako nun nong grade 1 ako, siguro mas iisipin mo na lang magfacebook (alangan wala na nga daw friendster eh) kesa pagtyagaan mo yung libro na xerox lang pero ako na nagsasabi senyo na nagbibiro lang ako, mas masaya kaya magaral.
Mahalaga itong unang hakbang ko, nakakatuwa yung mga kamagaral ko na wala pa sa ulirat na kung titingnan mo ay laging bagong gising kumbaga para parin akong nasa NKP. Nagaccelerate kasi ako kaya nasayang ung diploma eh, nabawasan tuloy ng koleksyon pero ayos lang naman kasi mukang bagong panimula to para sakin. 20plus lang kami sa loob ng silid aralan, anluwag pa ng surface at volume sa loob ng silid aralan namin. Hindi pa problema ng tao ang love non kasi musmos pa lang kami, ang problema lang namin ay ang baon namin at assignment araw araw.
Sa private school na yon, dun ko naramdaman ang sakit at hirap. Sakit kasi habang nagaaral kayo ng Computer Lesson ay pinapalo ka ng pricipal mo sa kamay kapag nagkamali ka, TAKE NOTE: principal namin ang pumapalo. Nakakahiya nga kasi pagpasok ko sa computer lab ay normal pa ang kamay ko, paglabas ko ay parang nagbabaga na ang kamay ko sa sobrang sakit. Parang daig pa silya elektrika ang kapalit ng pagkakamali sa Computer lesson pero atleast natuto ako. Sabi nga "hirap muna bago ang sarap" (masarap pagkain ba yun?)
Meron din kaming GMRC non o Good Manners and Right Conduct kaya lumaki akong mabait, yun nga lang english kasi kaya hindi ko magets kaya minsan tinutulugan ko na lang. Ikaw ba naman na grade 1, babasahan ka ng malalim na english, edi para ka lang nakipagusap sa hayop na hindi ka na hindi ka naiintindihan. Maganda pa ang Sibika at Kultura malalaman mo kung ano ang mga anyong lupa at anyong tubig sa bansa (kahit anyong hayop marami dyan). Malalaman mo din kung sinu-sino ang mga bayani ng Pilipinas (pati yung lunch ni Jose Rizal bago sya mamatay, anong brand ng ballpen ang favorite nya, at kung bakit nailagay yung ulo nila sa barya). At sa lahat ng pinakakasuklaman kong asignatura ay ang MATH, doon basic pa lang kaya ayos pa, tuturuan ka don magadd, magsubtract, magdivide, at magmultiply (at huminge sa nanay mo ng dalawang piso pandagdag sa baon mo). Sa Science naman madali lang kasi parts of the body lang yung tinuturo.

Sa grade 1 talaga wala kang matatago kahit yung maliit mong quiz hindi mo maaring isik isik sa butas ng pader yon at hindi rin uubra ang palusot na "nawala po" tapos makita yung card mo na may palakol eh malamang armalite ng nanay mo ang sasalubong sayo (with matching laway pa yun). Kaya dapat pag may quiz magaral kayo, gasino lang ba naman na magdagdag at magrefresh ng kaalaman para may masagot sa exam di ba? Alam nyo ang mga guro ay "taga lagay lang ng output kung ano ang nagawa niyo", malamang magkakaroon ka ba ng 83 kung nakatunganga ka lang at tulo laway ka pa. Minsan yun kasi ang namimiss interpret ( wow english yun aah) ng tao pero sa bandang sulok talaga at kahit sisirin nila ang pacific ocean para malaman ang katotohanan, bata ang mismong may kasalanan.
Hanggat maaga, magaral ka. wag mo isisi sa baon mo kung bakit di ka nakakapasok as if naman na sagutin ka ni Emilio Aguinaldo ng limang piso di ba? Wag mo din isisi sa nanay mo kung bakit si emilio lang ang binigay sayo, pano ba naman, may chocolate drink kana may sand wich ka pa (ganon kasi ako nung bata). Kaya isipin nyo naman talaga na lubos na mapalad ang mga taong nakakapagaral kesa sa mga nagjojolens at nagpopogs lang sa kalsada.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento