-- V --
Ayan at tapos na tayo sa usapang plagiarism na sakit na ng tao hanggang ngayon miski nung high school pa ko eh madalas na gawain ng tao yan. Ako kasi, ginawa ko lang to para maisabuhay ang kalokohan ng mga estudyante maging ang nakakaawang buhay namin dati hanggang ngayon, kung tutuusin parang valedictory speech lang to. (valedictorian ka ba?).
Grade II ako ng maranasan ko ang pagpapahirap samin ng guro. Batas militar nga sa loob ng silid aralan namin nun eh, araw araw may assignment, kulang na lang sabihin namin na "ma'am wala kaming assignment, iniwanan namin kasi kung dinala namin yun hindi na homework ang tawag dun, school work na yun" (pilosopo); araw-araw puro sulat kaya naman kawawa ang bulsa ng nanay namin kakabili ng lapis. (bukod pa sa pagsusulat, naglalaro pa kami ng bato batopik at kung sino ang talo, kakaltusan ang lapis).
Siguro hindi na namin maiiwasan ang Good Manners and Right Conduct na subject na nagtatanong ng "kung may tatawid na matanda sa kalsada, anong gagawin mo?". Pero ayos lang naman kasi may history at usapang pangrelihiyon ang ilan sa mga pumasok sa GMRC namin. Bukod sa Right Conducts e may tumatak din sa isipan namin, ang umupo sa usupan at manahimik sa loob ng klase. Kasi sa panahon ni erap hindi pa masyadong effetive ang kasong Child Abuse. Hindi ko din naman masisi ang guro namin kasi napakakulit namin talaga kahit nagkaklase kasi si ma'am e nagtatawanan kami. Naalala ko pa ang guro ko, ginapos nya sa upuan ang kaklase namin, halos magkandalupasay kami sa sahig sa kakatawa tapos sya naman nagiingay parin kaya binusalan ang bibig nya, ayos nanahimik ang klase pero natatawa parin kami. Ala hostage taking ang scene at ang ransome ng hostage taker ay ang katahimikan at pakikinig.
Lahat ng classmate ko nanahimik maging yung classmates ko na iginapos, nagtanda din sya. Gusto kasi ata ni ma'am habang nagmimisa sya eh tahimik. Sa loob ng klase namin parang ngtraining ka din ng CAT-I kasi mararanasan mo dun ang squat, chest up at ang pinamakahulugan sa lahat, ang SILENCE.
Grade II din ako ng matutunan kong magcursive sa pagsusulat at hanggang ngayon ay dala dala ko, cursive writing kasi ang nagpapagaan ng buhay ko sa pagsusulat lalo na pagmabilisan at dictation ang pinapasulat samin. Sabi nga ng mga kapwa magaaral ko medyo maangas daw ako magsulat, yung iba naman na di nakaintindi dyahe sa kanila yun, parang nagbasa sila ng sinaunang alibata.
Nagkaroon din ako ng haytek na bag na hinahatak na nagpapagaan talaga sa buhay ko at nagpasikat sakin ng isang taon. Makabago na talaga ang panahon ngayon, akalain mo yon, yung bag may gulong na tapos yung hatakan eh pang high level ang itsura kaya naman nainsecure ang mga classmate ko sakin. Nung una nga parang ayaw ko pa nun kasi kakaiba talaga siya pero nung dinala ko nung 1st day yun, natuwa ang mga kaibigan ko at sinabi "magkano bili dyan?, ang ganda naman."
Nagkaron din ako ng pencil case na may 2nd floor at puro monggol ang laman non. Marami akong lapis kasi nga dahil sa laro namin, kawawa yung mga natatalo samin, parang binagsakan ng langit at lupa at magpapabili ulit ng lapis yun para makabawi samin, Marami akong kabalbalan nung bata ako, nanuntok ako ng isang babae. Hindi ko alam ang gagawin ko kung papasok ba ako para magtago o haharapin ko ang mga otoridad at sasabihin kong wala akong kasalanan. Hinarap ko magisa ang kasalanan ko kasi hindi ko na pinapunta yung nanay ko, kung papapuntahin ko pa ang nanay ko baka doble ang sermon na matanggap ko. Ayun pinagsabihan ako ng nanay nya, halos hiyang hiya ako nun sa ginawa ko kasi kung ikaw ang nasa kalagayan ko, makakatikim ka ng sari saring salita, siyesta time kung baga mas maingay pa sa misa. Umuwi akong nakalaylay ang muka ko nun na parang sandamakmak na problema ang tumambad sakin, Pero atleast may Dragon Ball Z na nagpagaan sa kalooban ko, matatalo na ni goku ang mga android!
Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako makasali sa top, naiisip ko na sila ba ang chosen one at sila lang ang nakakapasok sa top, pero hindi ako nainggit kasi nga alam ko na lahat ng tao ay may iba't ibang talento sa kahit ano mang aspeto. Malay ko ba hindi talaga ako bagay dun, ang alam ko lang naman kasi ay ang maglaro ng lapis at krayola sa klase.
Nakakatawa din ang classmate ko kasi yung bahay nya mismo ay nasa gilid lang ng school namin, minsan nga pag wala siyang gunting mag me"May I go out" lang sya at boom may instant na gunting na siya, Kulang na lang pag exam dun siya kukuha ng sagot. take note ulit :mapalad ang mga bahay malapit sa eskwelahan.
Maraming masayang alaala nung grade II ako, lalo na yung isa pang classmate ko na kalalaking tao ay napakaiyakin. Asarin mo lang ng unti iiyak na siya at malamang yari ka sa magulang nun kasi armalite na bunganga ang sasalubong sayo sa school at buti na lang nasawa na ko dun kaya nagpakabait na ko. Marami din akong tanong kapag nagtuturo ang guro, hindi naman masama magtanong eh sabi nga ng tropa kong si Confuscious, " Do not hesitate to ask a lesser question ". Sabi naman sa Chinese Proverbs, "He who asks a question is a fool for five minutes, he who does not ask a question remains fool forever". kaya hindi ako nahihiyang magtanong, kahit minsan e wala ng sense ang tinatanong ko. Minsan nga napapatanong ako kung bakit may tao sa loob ng TV eh. Hindi masama magtanong yun ang sabi ng nanay ko sakin. "Questions are the creative acts of intelligence", nakita ko lang sa internet.
Siguro hanggang ngayon marami ka paring tanong sa buhay mo, (kung bakit napakainit sa pilipinas at hindi binabaha ang Cavite). Ako na nagsabi sa inyo, na masaya at nakakatuwang mag aral, hindi mo dapat sinasayang ang mga panahong nakalaan sayo, yung panahong bumabagyo at pumapasok ka parin para sa baon. Tsaka sa school mismo dun mo matutuklasan ang sarili mong talento, talento kung pano magutya at mangasar.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento