Miyerkules, Disyembre 7, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- XI --)

     
-- XI --

          BOY SCOUT, LAGING HANDA!
          Masaya ang mga Overnight Camping sa paaralan, mas masaya pa sa paglalike ng status sa Facebook at pagtingala sa kisame ng iyong bahay. Sa Scouting ko natutunan ang lahat, kung paano magtiis, kung paano ayusin ang sarili, kung paano disiplinahin ang iyong buhay at mga kapwa mo, kung paano magseryoso sa ilang mga bagay at higit sa lahat makipagkapwa tao.

          Malaki din ang naitulong ng scouting sa aking buhay. Una, isa lang akong simpleng miyembro ng isang patrol hanggang sa naging Over all leader ako kasama ang tatlong kapwa scout ko.

            Noong una kong maranasan ang camping, siyempre naninibago ako. 
Grade IV ako nang maranasan ko ang unang camping sa buhay ko. Masaya ang scouting, lalo na ang bonfire na nilalagay sa gitna ng mga nakapaligid na scouts at may seremonya iyon bago simulan na sindihan. Tapos gagawa kayo ng play, siyempre pipili kayo ng mga mas nakakatawa at sasamahan yun ng cheer ninyo, bawal ang KJ (pagKJ, iihawin sa gitna ng bonfire; biro lang!) Pagkatapos nun, papabalikin na kayo sa mga silid aralan kung saan nakaasign yung patrol ninyo. Wala ako sa bahay namin, ang higaan ko lang ay isang kumot at unan, kanin na hilaw na medyo tutong ang pagkain ko na sasamahan pa ng isang delatang cornbeef at higit sa lahat, IDLIP lang ang nagawa ko. Ewan ko ba pero nagustuhan kong sumali sa mga ganong extra curricular activities kahit hindi ako marunong kumain ng sardinas.
             
              Nakakatawa kasi kung mararanasan mo, may makikita kang tulo laway habang natutulog (akala mo signal no. 4 na sa sahig), yung iba nananaginip magisa na sasabayan pa ng pagsasalita, may nakanganga, nakangiti, at may malikot matulog. Gigising kayo ng 4am, kakain, maghihilamos, magtutoothbrush at maglilinis ng katawan (samahan mo na din ng pangungulangot). At higit sa lahat, ang exercise. Magpaparada kayo sa buong barangay na para bang mambubulahaw kayo ng mga tao, kulang na lang buhusan kayo ng kumukulong tubig. Habang nagpaparada naman, ang mga scouts master ay tila ba naghahanda ng mga adventure trails na may mga kakaibang stations ( tulad ng station 1 : kakain ka ng bubog, station 2: iinom ka ng diesel pero biro lang yun) na kung saan susubukan ang pasensya at abilidad mo. Puro putik dun kaya kahit maginarte ka, kung sino pang mga bayaning tawagin mo eh wapakels. Pagbalik ng mga scouts sa paaralan matapos ang parada, mayroon silang 2 oras para magluto ng tanghalian bago simulan ang adventure trails. Matapos maluto, sinimulan na ang adventure, gapang sa sahig, takbo dito, takbo dyan, hanap ng pinapahanap, at ang masaya swimming sa putikan (akala mo isang batyang MILO ang nilagay). Sumunod nun ang tanghalian kung saan kakain kayo ng hilaw na malatang sunog na kanin na hahaluaan ng sardinas, cornbeef, at tuna (dagdagan na din ng maling, bagoong, tuyo, hotdog, tinapa, daing, alamang para kanin baboy na). At ang huli ay ang awarding, best patrol, best scouts best in cheering, most behave na patrol at ang pinakamagandang award: NAKAKANGANGA AWARD at TULO LAWAY AWARD.

            Hanggang sa maging Grade 6 na ko, at isa na kong ganap na leader ng mga sindikatong scouts (biro lang), kami naman ang nagparanas ng naranasan namin sa scouting. Kami na lang ang watcher kung paano nila tatapusin ang mga challenge sa adventure trails. Pero mahirap parin ang maging leader ng mga scouts, tatlo kami noon pero nagkakasundo kami sa mga balak na gagawin, kami ang nagaayos ng mga bagay-bagay na gagamitin at kami ang naguutos kung ano ang mga dapat gawin ng mga scouts. Pito (whistle)  ang sandata namin para mapasunod ang kapwa namin scouts at kami ang nasusunod. Kahit mahirap man ang naranasan ko bago ako maging leader, ayos lang worth it naman; tyaga at sipag ang naging puhunan ko para maabot lang iyon.


           Masarap din ang feeling na maging Achiever ka sa klase, totoo yun. Kasi halos pagtitinginan ka ng mga kaklase mo. Popular ka din kasi nga napopost yung pangalan mo sa chalk board (kadalasang tinatawag na blackboard).  Tradisyonal na din sa mga paaralan na ginaganap ang Recognition day (ito ay parang SONA na pipilitin kang pumalakpak) pagkatapos ng Graduation day. Siyempre bago ganapin ang mga ganong pagdiriwang, kinakailangan ng practice, kung paano maglakad, kumuha ng certificate, umupo, makipagkamay at kung paano magdala ng sariling upuan. Bawal ang makulit, bawal ang magulo, at higit sa lahat bawal ang absent minded- iyon yung mga wala sa sarili na akala mo ay laging nagpapantasya. Halos dalawang taon ko din ito nagawa, nung Grade IV ako na 4th honor at Grade V na 3rd honor. Handa kana, ayos na ang uniform mo, bagong shine ang sapatos, nakagel ang buhok at maayos na din ang muka mo, Recognition day na. Sa totoo lang yung napractice namin, malayo sa katotohanan. Pano mas magulo pa sa mga kuliglig ang itsura ng recognition day kung saan maingay , nagtatayuan at nagkekwentuhan lang sabay bigla kayong sasabihan "around of applause please" sabay papalakpak kayo. Automatic yan!

            Ang paghihirap ko ay nasuklian sa Recignition day, ang pagpupursigi ko na magkaroon ng mataas na grado nang sa ganon ay matuwa naman ang mga magulang ko (at mabili ang gusto ko). Pursigido ako magaral at ginagawa ko ang lahat ng kaya ko. Sabi nga ng tropa kong si Pablo Picasso, "
Action is the foundational key to all success.Ngayon, kung gusto mo talaga magtagumpay, siyempre kailangan mo din gumalaw, hindi yung nakatunganga ka lang at sinasanay ang sarili sa kung ano ang meron. At isa pa, hindi sapat na matalino ka lang, marunong ka din dapat makisama.
           

Linggo, Hulyo 31, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- X --)

-- X --

         Noong Baitang V ako, tuwang tuwa yung ilang mga guro ko sa'kin lalo na yung adviser ko. Kasi akalain mo ba naman malakas ako magrecite at medyo magaling ako sa math. Meron din akong tropa non na lagi kong kasama- sa pasukan, sa uwian. Magkalapit lang naman kami ng bahay kaya minsan sabay na kami pumasok.

         Unang araw ng klase namin , may kapansin pansin na isang babae na galing private school. Natawa ako kasi nang recess na namin naghanap siya ng juice, langya may katok ata iyon o naisip ko lang baka naligaw ng landas yun. Halos hindi ako makarecover non, napakasimple lang naman pero sadyang mababaw talaga ako. Kasi napaka commonsense naman na sa Public School Tray lang ang hinahatid sa classroom (kasama na din yung tindang puto ni Ma'am). Para siyang naghanap ng isang batis sa gitna ng desyerto.

        Asar na asar sakin yun, araw-araw kasi hindi kumpleto ang pagpasok ko nang hindi ko siya aasarin, dagdagan pa ng tropa ko na lagi kong kasama, sabog talaga at mas pipiliin niya na lang umuwi ng bahay at manood ng mojako o yung Dragon Ball na paulit-ulit. "Juice please", yan ang sentence of the month namin, ito kasi yung pangasar namin sa kanya. Eh kasi isipin mo naman di ba? Juice?  Sino ba namang timang iyon. Aaminin ko galing din ako sa Private bago magbaitang IV pero hindi ako naghanap ng juice, binili ko na lang kung anong meron sa tray. Galing nga kasi sa private school kaya naintindihan ko siya. Habang tumatagal naman nakikibagay siya sa mga estudyante ng Public tulad ng ginagawa ko, nakikiangkop ako lalo na sa pakikipagsocialize. Palakaibigan kasi ako kaya kahit sino maaari kong maging kaibigan kahit nga mga gangster kaibigan ko.

        Si babae ayos na ang ugali. Kaya nga lang dahil sa palaasar kong ugali eh nahulog ata ang damdamin sakin. Hindi siguro ang Gravity ang nagtulak sa kanya para mahulog sakin. Totoo yung sinsabi ko, walang halong biro. Ngayon, kung iniisip mong may halong biro to pwede ka nang tumalon sa bubong ng bahay niyo pababa para malaman mo kung gaano kalakas ang gravity na sinasabi ko (biro lang!).

         Ginawa na niya ang lahat ng style ng pagpapacute sakin. Tumabi habang nagsusulat ng mga nakalagay sa chalkboard, makipagwentuhan sakin, makipagsulatan, ayusin ang gamit ko sa room, tumingin sakin at sumunod sakin kung saan man ako minsan magpunta. Kung itatanong mo kung ano ang pakiramdam ng ganon? Syempre super saya halos yung ngiti mo aabot na sa patilya mo at malamang yung facial muscles mo nakangiwi kasi palagi ka na lang nakangiti. Normal na sa nagaaral yan, crush na sinasabi na paghanga lang. Sa totoo lang hindi ko siya gusto at hindi ko alam kung bakit may pobya ako sa mga babae, ako na mismo yung lumalayo.

         Fieldtrip namin non sa suki ng mga elementary school sa bansa kasi dun lang matutuwa ang mga batang tulad ko, Star City! Sa bus nagpapahiwatig na siya. nakipagpalit siya ng upuan sa classmate ko. Ang laki ng problema ko kaya umiwas ako ng kaunti. Sa Star City, doon ako naglibang kahit may mga uamaaligid na ewan sakin. Nakakasawa nga kasi sa Bus kasama ko na siya maging sa Star City ba naman kasama ko parin siya. Syempre kapag sumama siya, sasama din ang ibang classmates ko kaya dumami kami. Sumunod sila sakin, mahilig pa naman ako sa mga horror house kaya pinasukan ko ang "The Mummy". Nagsisunod naman sila, una palang halos mawasak na ang ear drum ko sa tili ng mga babae kong classmates. syempre jackpot yung mga classmate kong lalaki kasi napapayakap sa kanila  yung mga babae. Hindi mo maipinta ang mga muka nila kasi yung ngiti nila halos lahat ng ipin kita. Si babae napayakap din sakin, wala naman akong magagawa kasi nandon na nga at halos napaiyak na din yung iba sa kanila kaya minadali namin na makalabas doon. Pagpasok ko ng horror house na'yon ayos pa ang uniform ko pero paglabas ko, para akong dinaanan ng bagyo, ang gulo ng uniform ko at yung ID ko nakapulupot na sa leeg ko. Kaya nagpalit na lang ako ng damit. Sinakyan ko lahat ng trip ng mga classmates ko, ayoko naman kasi maging "loner" (tawag yun sa mga nagsosolo), Kaya no choice ako, kasama ko parin si babae kahit anong mangyari.

          Pagkatapos non dumiretso na kami sa bus, uwian na at medyo malayo pa ang byahe namin. Halos mga gabi na din kami nakatapos kay pagod na pagod na ang lahat. Katabi ko nanaman si babae sa Bus. Kumakain ako nun at napansin ko na nakatulog na siya. Syempre kahit  papano may konsensya ako, isinandal ko yung ulo niya sa balikat ko kasi sobrang antok na niya nakakaawa naman. Napansin ko ang ganda niya habang natutulog. buti na lang hindi siya tulo laway. Nagising siya, nagulat siya na nakasandal na yung ulo niya sa balikat ko. Ayos lang naman kasi sakin yun, kaya sinabi ko na nakatulog siya at naisandal niya yung ulo niya sa balikat ko.

           Nagtapos ang Fieldtrip ko na masaya kasama ang mga classmates ko, mga classmates kong mga loko-loko na nagsabi na manhid daw ako. (edi kung manhid ako nakipagaya na ko ng suntukan sa kanila, manhid eh walang nararamdaman). Umuwi ako sa bahay na nakngiti at ikinuwento ko ang lahat ng nangyari sa mga magulang ko. Patawa nilang sinabi na nagbibinata na daw ang anak nila. Ayos! Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko gusto yung babae na yun kahit sabihin na maganda siya. Siguro crush oo pero never ko siyang nagustuhan, Nagulat nga ako na kami daw. Syempre babae siya at malamang masasaktan siya sinagot ko "oo". Nakasama ko din siya sa MTAP noon, isang nakakalulang Math Seminar tuwing sabado kaya naman araw-araw kami magkasama.

           Nawala yung motto ko na "Single is the Best", pero single naman talaga ako eh hindi ko naman talaga gusto na magka GF. Kung baga inspiration lang, hindi naman ako sumasabit o nalalaglag sa Top eh. Oo tama ang nabasa mo, isa akong kapita-pitagang Achiever sa klase simula pa noong baitang IV ako, nang lumipat ako sa pampublikong paaralan na pinapasukan ko. Hindi naman siguro masama magmahal, syempre bata ka pa kaya limitahan muna, dapat hanggang crush lang. Ang love kasi ay hindi dapat gawing kasangkapan para magpasaya. "Love is not an instrument for you to be happy". Iset a side muna dapat ang hindi importante, sa totoo lang kaya yung iba naliligaw ng landas dahil sa love na yan at halos ilang porsyento ang tumitigil sa pagaaral dahil sa pagmamahal (mas mababa sa porsyento ng mga pumapasok lang dahil sa baon). Habang bata pa bakit hindi pagtuunang pansin ang pagaaral diba? Sabi nga ni Dr. Rizal, kaibigan ng guro ko sa Hekasi, "kabataan ang Pagasa ng bayan". Bakit hindi natin panindigan?

Sabado, Hulyo 16, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- IX --)


-- IX --


          Paulit ulit akong tinatanong ng mga tao (malamang magulat ka kung hayop ang magtanong) kung bakit ako nagpublic nung elementary, ang sagot ko simple lang. TRIP KO! Siguro ako na ang isa sa mga pinakamalakas ang trip sa mundo pero biro lang yun, sa Pilipinas lang. Mas masaya kasi subukan ang ilang mga nakakapanibagong bagay na hindi mo alam kung ano ang kinahahantungan nito, kulang na lang sa lakas ng trip mo haharangin mo yung MRT sa edsa taft o di kaya naman yung naglalakihang bus sa Maynila pero Paalala ko lang hindi maganda tong trip na to. Kung nakainom ka naman ng Cobra (Pasensya nagadvertise) at nakita mo sa commercial yung lalaki na pagkatapos niya uminom ng Cobra ay nakaya niya humarang sa riles ng tren, aba nagkakamali ka, isa lamang kathang isip yun.

          Balik tayo sa usapang trip, Noong Baitang IV ako, sinubukan kong lumahok sa ilang mga seminaryo upang malaman kung ano ang maaring nandoon. Una ang Science Review kung saan piling mga Top/Honor students ang kasali at mageexam para ipresenta ang paralan. At isa ako sa mga top nandoon, National Science Test ata yun. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagtulak sakin dun eh, hindi naman sapilitan ang pagsali doon. Halos maubos ang dugo ko sa pinagaralan naming agham. Pero madami akong natutunan. Kung paano umiikot ang mundo sa araw, kung bakit hindi agad namamatay ang apoy ng kandila.

 Sumunod naman ang Boy Scouts of the Philippines, isang fraternity (oragnisasyon pala) na nagsasanay sa mga magaaral na maging isang tunay at mabuting mamamayan ng Pilipinas, Dito walang sakit na mararamdaman, pagod, sakit sa ulo, at unting kahihiyan lang naman ang matatanggap mo kasi may workshop din yun, parang theater arts kung saan matuto kang sumayaw, kumanta, umaarti at magpatawa. Noong una nahihiya talaga ako sa mga ginagawa namin doon ngunit kinalaunan eh naging mayos naman. Simpleng member lang ako ng Patrol Maya non, simpleng boy scout. Tapos may neckerchief at kalabaw na isang mahalagang simbolo sa pagiging boy scout. Naalala ko pa yung unang overnight camping namin, Masaya na  nakakapanibago kasi nakahiga ka sa sahig ng silid-aralan kasama ang kapatrol mong mga tulo laway, may bonfire na tatagal ng ilang oras at hihintayin niyo matapos ang isang seremonya, kakain kayo ng tutong na malatang kanin kasama ang sardinas at cornbeef at higit sa lahat, WALANG LIGO. Di ba ansaya? Pero naging Masaya naman ang awarding kasi may mga natanggap kaming award matapos ang overnight camping na naganap.

Ito lamang ang ilan sa mga trip ko, idagdag mo pa yung MTAP, isang pagsasanay sa matematika na talaga naman ay mapapahiya ka kapag nagkamali ka kasi puro matatalino ang mga kasama mo, yung tipong kahit mga code sa computer gamit ang number base ay alam nila at parang may hard disk na nagtataglay ng malaking gigabytes sa sobrang talino. Sa totoo lang lagi akong nagkakamali at nangongopya ng sagot sa seminar na’yon, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin dun sa MTAP na’yon pero atleast mayroon akong Certificate, dagdag koleksyon nanaman. Baitang V ako non nung naisapan kong sumali sa MTAP na’yon napalaglag ang panga ko. Ang tanong pa doon.

1. Magdalena buys a Pizza that cost 375 and it has 8 slices, how much is the cost of per slice pizza?

Yung mga tipong ganyan ang itatanong sa seminar nyo, ano bang kinalaman ni Magdalena sa training at bakit kailangan pa sya isama sa training. Ano naman kung bumili siya ng Pizza? Parang si kaso lang ni Ana na bumili ng mansanas.

2. What is the circumference of the circle if its radius is 187.89?

         
Hindi ba masaya pagaralan yan pero mahirap na kung magtetest. Siguro yung mga kontra matematika ( yung madalas bumabagsak sa Math ) ay magtatanong ng ganto : Bakit, kailangan ba ng Circumference kapag bibili ka sa palengke? Ito ung mga loko-lokong tanong eh, mga lakas trip din yan.

          Trip ko din dati ang mangolekta ng mga certificate na maaring kunin sa pinagtripan kong seminar. Siguro yun ang nagtulak sakin upang pumasok sa mga seminar at pagsasanay tulad ng Boyscout, pero maporma ang boy scouts ah lalo na pag nakauniform pero hindi naman uniform ang habol ko doon. Isa pa, ako yung taong laging naghahanap ng bago, “something new” hika nga. At doon, magkakaroon ka ng isang ideya kung ano ang isang bagay. Hindi mo makikita ang isang bagay kung hindi mo titingnan, hindi mo maaamoy ang isang bagay kung hindi mo ito aamuyin, hindi mo malalasahan ang isang bagay kung hindi mo ito titikman at hindi mo madidinig ang isang bagay kung hindi mo ito papakinggan. Simple lang, Hindi mo malalaman kung hindi mo aalamin.

      
  Maganda naman ang kinalabasan ng trip ko, sabi nga, “you must be go beyond the limitations”. Ang salitang HINDI KAYA ay nasa sa isip lamang. Limitasyon, ito kasi ang lagi nating iniisip, na ito lang ang kaya ko kaya hanggang ganito lang ako. May mga talent ka na balang araw ay matutuklasan mo at sadyang lalabas kung ito’y iyong tutuklasin.

Pero hindi lahat ng trip ay maaring mapunta sa isang magandang kinahahantungan, madalas kailangan mo muna magisip upang malinawagan sa mga bagay-bagay bago mo pasukin ang trip na gusto mo, bago ka ngumuya ng graba o uminom ng gasolina isipin mo na kung makakabuti yun o makakasama. Bago ko pasukin ang mga trip na nabasa niyo, pinagisipan ko muna kung tama ba o mali ang papasukin ko.

          Ang trip dapat ilalagay sa ayos. Masama ang pangtitrip ng tao ha, yung tipong sasaktan mo siya ng walang dahilan, ibang trip na’yon at malamang ang award mo nun ay trip to guidance councilor at may chance ka pang makaharap ang principal at faculty together with your family (parang promo lang ah). Kaya sa mga gusto ng unique at something new, sige lang magexplore lang kayo, Nasa kagustuhan niyo parin kung anong kakalabasan ng trip niyo, kung ang bunga ba nito ay masama o kung ang bunga nito ay mabuti. Kung mabuti ang bunga ng trip niyo, bakit hindi niyo subukan, wala naman masama kung susubukan hindi ba?

Huwebes, Mayo 26, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- VIII --)

-- VIII --

           Natapos ang baitang III ko na medyo memorable sakin. Memorable dahil sa langyang tae na tumalsik sa uniform ko at nakapagpahiya sakin pero ganon talaga ang buhay kaya naman tinanggap ko na pero ang lakas ng impact sakin non, matagal din bago ako makarecover.

           Naisipan ko na lumipat sa Public School kasi hindi ko talaga magawang mag excel sa private school na pinapasukan ko. Isang kadahilanan na rin ng paglipat ko sa public school ay ang sobrang lakas ng trip ko at sa paghahanap na din ng something new. Hindi ko ba alam kung anong masamang hangin ang nalanghap ko, malamang hindi yun hangin na nanggaling sa tao o sa bunganga ng kahit sino, Sinabi ko rin sa magulang ko kung ano ang desisyon ko nun at nagulat sila kung bakit daw gusto ko lumipat ng eskwelahan at sa public school na yun pa ang pinili ko. Sinabi ko naman sa kanila kung ano ang dahilan at pumayag naman sila.

           Alam ko na hindi masyadong ligtas ang Public School para sa malokong nilalang tulad ko pero gusto ko lumipat at muka naman masaya. Inenroll ako ng mga magulang ko sa public walang patumpiktumpik. Medyo namangha ako sa laki ng school kasi yung private school na pinasukan namin eh isang street lang ng subdivision namin kaya pagpunta ko sa public school na yun natulala ako kasi may ground pa sila na harap ng stage. Nanibago ako sa requirement nila ang nakalagay kasi ay formal theme, parang tumibok ang ear drum ko at nagtanong ang utak ko "ano ang formal theme?". Tapos may window cards pa na A-1, M-1, S-1, at D-1, Addition, Multplication, Subtraction, at Division. Parang sa gusto kong maghanap ng something new eh pinahirapan ko ang sarili ko.

           Sa pasukan ko nalaman kung ano ang mga tanong ko (kasama na rin kung magagamit ba ang math sa pagbili ng suka?). Hindi naman nakakapanibango ang spelling booklet kasi pinagaaralan na rin samin yan nung nasa private ako. (talo ang binge dyan sa spelling). Hindi mo rin maiiwasan na magkamali sa spelling lalo na kung si ma'am ay napakaarti ng pronounciation. Lalo na kung bibigkasin nya ang pronounciation, ang lalabas pronawnsiyeyshown, diba pano mo isusulat ang spelling nyan? Talaga naman kakaiba ang public school kesa private lalo na sa usaping populasyon ng magaaral, kahit RH bill hindi kayang pigilan ang pagdami ng populasyon ng mga estudyante sa Public School.

            Wala sa Paaralan yan, nasa Nagaaral yan!

           
Sa totoo lang, hindi nahuhuli ang Public school at iyon ang napatunayan ko. Lalo na kung paguusapan ang math ay talaga naman napakagaling nila. Mga mistulang walking calculator ang ilan sa mga classmates ko non, yung tipong pag nakaencounter sila ng problem tulad ng problem ni aida na bumili ng mansanas na nagkakahalagang P5.00, ay parang wala lang sa kanila. Hindi na sila magiisip ng malalim. Kaya nga hanga ako sa kanila. Iyon nga lang eh medyo sabit sa english pero ayos lang kasi medyo fluent ang iba samin sa english.

            Noong unang klase ko pa lang sa Public School a yon ay nakakapanibago talaga pero dahil madali lang sakin ang makapagadjust, mabilis ko na din itong nakasanayan. Sa panghapon ako nakaassign. Nakakatuwa ang Recess sa Public, hinahatiran na lang kami ng tray na sapilitan ang pagbili. Ayos nga eh, pag medyo may kaya ang isa sa inyo eh malamanang ikaw ang uubos ng paninda at may instant points kana sa class record ni ma'am.

            Sa totoo lang hindi naman dapat mababa ang tingin sa mga Public Schools eh. Ang nagpapasama lang naman ng imahe ay ang mga salot, sigalot. at surot na mga gangster na naglipana sa ilang sulok ng paaralan na minsan ay mambabanat at mangkukuyog na lang o minsan mambuburaot na lang sayo. Sila din yung may mottong "one for all, all for one". Bayanihan lagi ang ginagawa nila. Pero hindi ka naman nila gagalawin kung wala kang ginagawa sa kanila, ako kasi napakabait ko. Sa totoo nga lang kinakaibigan ko pa sila at may nalaman akong side nila na hindi maunawaan ng tao. Kinaibigan ko sila pero hindi ako sumasama, may nagpayo nga sakin na magingat ka sa mga kaiigan mo, ang sakin naman "kaibigan ko sila pero hindi ako dapat gumaya sa kanila".
           
            Isa pa sa mga nagpapasama sa imahe ng Public School ay ang binebentang puto, yema at pastilyas ni ma'am. Ito naman yung ilan sa mga sideline ng mga guro sa Public eh. Minsan nga nangangako pa sila ng dagdag points pero salamat sa kanila kasi nadagdagan ako kahit maliit na points lang. Nakakain na ko, nagkapuntos pa ko. Pero sa tingin ko kasi nagagawa lang nila iyon dahil sa kakulangan sa sahod. Hindi kasi sumasapat sa pangangailangan nila ang sinasahod nila.

            Doon namulat ang mga mata ko, na hindi lahat ng CR ay malinis. biro lang! Namulat ako sa katotohanan na may mga tao talagang pinipilit magaral kahit kinakapos sila sa pera. Kahit 5 piso lang ang baon, nagtatyaga silang pumasok at magaral. Minsan hindi talaga halatang may problema sila lalo na sa pinansyal. Naging silbing aral sakin ang bagay na iyon sa pagpasok ko sa pampublikong paaralan,

           Pero ang mga classmates ko ay mukang uhugin parin. Literal na. walang biro. Pero sa classroom walang amoy bagong taon samin (new year). Lahat ay malilinis kaso hindi kami pare-parehas ng suot. Yung ilan nakachinelas, yung iba nakasapatos. Ako kumpleto nakauniform at nakasapatos. Yung iba nga samin nakahikaw pa, siguro kasama yun sa uniform. Sa silid aralan namin may mga uri din ng nilalang na nagsisulpot. May mukang inosente, bagong silang, matanda na na mukang bata, bata na muka ng matanda, matalino, medyo matalino, engot, tahimik, maingay, siga, may kaya, medyo may kaya, malandi, mahiyain, maganda, malakas ang dating, may itsura, mataba, payat, pogi, hindi pogi (alam mo na yun wag mo ng bigkasin) at ang pinakamataas sa lahat, ang sipsip.

           Nakamtan ko na ang something new na hinahanap ko, Nung una nga parang gusto kong umatras sa pinili ko pero sabi ko sa sarili ko na hindi ka dapat umatras. Gusto mong magachieve at may matutunan pa na hindi mo pa natututunan sa dati mong paaralan. Hindi lang dapat GMRC ang pagaralan ko. Hindi dapat malagay sa isang lugar lang ang utak ko. Marami pa kong gusto matutunan na alam ko na matututunan ko pag pumasok ako sa pampublikong paaralan. Hindi ko inintindi kung ano ang mga sinasabi ng mga nasa paligid ko sa public school na pinasukan ko, maganda man o masama yung mga komento nila.

          Sa pagpasok ko sa pampublikong paaralan, marami akong natutunan. Hindi lamang ang mga bagay na dapat pagaralan sa asignatura na itinuturo ng mga guro. Nalaman ko na may natitira pang tao na nagsisikap magaral kahit ano naman katayuan o estado nila sa buhay. Pinatunayan nila na "Poverty is not a hindrance to success".
         


           

Sabado, Mayo 21, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- VII --)



-- VII --



            Handa na kong pumasok nun para sa grade III mayo pa lang, kasi bago nanaman ang mga gamit mong lapis at papel. Handa kana din makipagyabangan sa classmates mo, kung baga isa ka sa mga pulitiko na nanunumbat kung ano ang nagawa mo at kung ano ang meron ka. Inaantay ko na talaga non ang pasukan kasi akalain mo ba naman na araw araw ka lang makikipaglaro sa mga lokoloko mong kaibigan ng habulan o matayataya, kahit mga larong kalye nung panahon ng bato malalaro nyo na din eeh.


            Sinusulit ko talaga ang pagkabata ko noon ng saganon hindi masayang ang panahon ng pagiging bata ko. Sabi nga sa internet, "Childhood is the most beautiful of all life's season" (source: www.qoutegarden.com). Totoo naman talaga na ang pagiging bata ay ang pinakamagandang part ng buhay mo. Dagdag pa nga ni Helen Hayes, "Childhood is a short season". kumbaga ito nga ang pinamagandang part ng buhay kaso maikli nga lang.  Yun nga lang dahil sa pagiging bata ay may mga murang kaisipan pa ko kaya naman nakaladkad ako ng truck. (Dumapo na rin ang sakit na KATA sa mura kong edad). Mahilig kasi ako sumampa sa likod ng truck pag may dumadaan sa kalye ng village namin kaya yun ang naging bunga ng pagkakagulong gulong ko sa kalsada.

            Nakakainis talaga yung pakiramdam na iniiwanan ka dahil sa mga rason ng mga tao sa bahay nyo. Ayaw nila ako isama kasi may malayo daw silang pupuntahan, iyon pala bumili sila ng grocery at mga gamit ko para sa pasukan. Di ba nakakainis? Sarili mong magulang nagsinungaling sayo pero ang tinuturo nila be honest. Pero naintindihan ko sila kasi pano ba naman pagsinama nila ako madagdagan yung gagastusin nila at malamang hindi sasapat ang dala nilang pera.

             At sa wakas grade III na ko, dun padin sa private school na pinapasukan ko. Yung school na transformers ang dating. (Nagevolve na bahay to school). Wala naman kakaiba kaso naging panghapon ako. Nakakainis lang kasi maglalakad ako ng super init. Masaya ang Grade III life ko isipin mo yun ibang section ako pero may nakasama naman akong mga classmate ko nung grade II kaya hindi naman ako alone. Sa totoo lang malaki ang naitulong sakin ng tutorial  lalo na sa math, laking tuwa ko na nga lang at multiplication table ang pinapasaulo samin nun. Hanggang ngayon hindi ko parin makuha ang concept ng pagmumultiply sa sampong daliri na mayroon ang kamay mo. (kasama na ang Kpop sa hindi ko maintindihan). Alam mo lahat ng estudyanteng nagaaral ay tahimik sa unang araw yan parang lahat naman ganto pero pagdating sa kalagitnaan ng taon parang mga animal yan sa discovery chanel at kaps amazing story kung mag ingay at magwala.

             Ang pinakamasayang part siguro ng buhay ko sa grade III ay ang pangingisay ng classmate ko na akala mo ay may malalang sakit. Matagal syang nanahimik sa klase. Bigla na lang may dumampi sa mga ilong namin na akala mo ay may dumaan na Garbage Truck sa harapan mo kaya naman mapapatakip ka ng ilong sa sobrang tapang ng amoy. Alam mo na kung ano yun at kung ano man ang iniisip mo kung bakit sya nanahimik at nangisay ay tama ka.

            Siguro nga hindi pa talaga mahirap sa panahon ng elementary hindi tulad sa College na kailangan pa ng entrance exam para makapasok sa College or University, Kasi dapat sisihin ang nilalang na nagimbento at nagpauso ng entrance exam, sa kanya ibunton ang sisi kung bakit ang mga college students ngayon ay napakalaki ng hirap. Siguro bulakbol talaga ako ng grade III ako. Puro kalokohan lang talaga ang ginagawa ko sa paaralan namin at minsan nga, inaasar ko pa ang mga guro ko non.

             Talaga namang napakalakas ng trip ko at aminado ako doon, Bunga ng lakas ng trip ko at kata na rin, nakagawa nanaman ako ng isang bagay na nakapagpahiya at nakapagpapula sa puwit ko dahil sa palo. Yung mga classmates ko kasi binabato yung isang tae, pumupulot sila ng maliliit na bato na binabato nila sa tae. Sa sobrang lakas ng trip ko napaisip ako, bakit kaya maliliit ang bato na binabato nila bakit hindi na lang malaki na bato nang sa ganon ay hindi sila mahirapan. Napukaw ang atensyon ko sa isang haloblock at yun ang pinambato ko. Hulaan mo kung anong nangyari? Pero wag na ikekwento ko na lang nang sa ganon malaman mo. Si tae na binato ko tumalsik sa damit ko. Siguro hindi ko nacalculate kung gaano kalawak ang angle, circumference ng tatalsikan ng tae. at nasobrahan siguro sa force kaya naman napakalakas ng pressure na naging dahilan sa malakas na pagtalsik ng tae sa uniform ko. (applicable din pala ang physics noh?). Napatawa ko sila ng sobra pero halos mamatay na ko sa kahihiyan non. Bakit kasi hindi ko muna inisip kung ano ang bunga ng ginawa ko, ayan nasa huli ang pagsisi at  ang palo kasi paguwi ko nagsimula na ang paglilitis sayo na may kasamang armalite na bungangang hindi nauubusan ng boses at isang malutong na malutong na palo (akala mo chickenjoy ng jollibee no?)

             Sa lahat ng mga malulusog ang katawan alam ko ang paborito nyong buwan, ang buwan ng nutrisyon. Ito ang buwan kung san kakainin mo ang pinagbabawal na pagkain tulad ng sitaw, kalabasa, ampalaya, patola at marami pang iba. Ayos lang ang prutas kasi matamis pero bakit hindi ko trip ang gulay lalo na ang repolyo? Parang naisip ko lang, ano ako kambing, kalabaw o kabayo para kainin yan? Alam ko ganyan din ang natanong mo sarili mo, huwag ka magalala pag kumain ka na naman nyan hindi ka magiging petrang kabayo. Pinagdala kami ng mga gulay at sa mismong school niluto yun. Ang resulta naging exotic na pagkain ang naluto at pinangalanang PAKBET, doon nagsimula ang alamat ng pakbet. Kaya naman hindi ako kumain at mas ninais kong manood ng Hunter x Hunter sa bahay at Dragon Ball, nabuhay na si magimboo kaya umuwi ako. (palusot ka lang sabihin mo ayaw mo lang ng gulay)

              Sa totoo lang sa buong buhay ko sa elementary wala akong matinong christmas gift na natanggap. Parang hindi umaayon ang panahon sakin. Lagi na lang ako pinapahiya ng expectation ko. Sa halaga na napagkasunduan eh wag ka ng aasang maganda ang makukuha mo. Payo ko lang sa inyo kapag exchange gift, perahin nyo na lang (para may pandota kau. BIRO lang!)

             Naiinis talaga ako sa mga periodical exams namin at talaga namang mas pipiliin mo na lang magtatatakbo sa kalsada. Kasi may naencounter nanaman akong tanong tulad nito.

1. Aida buys an apple costs P 5.00. How much she spend if she buys 5 apples?

             Diba ang hirap? Hindi ko talaga alam kung may mali sa grammar kasi hindi ko sya mabasa ng isang beses lang at paulit ulit ko syang binabasa. Hindi ko rin alam kung bakit pinakikialaman namin si Aida. Kaanu-ano ba ni Ma'am si Aida at bakit sya nasali as exam namin. Chaka napaisip ako bakit ang mura ng mansanas e per kilo nga binebenta yun, niloloko ata kami ni ma'am. Siguro may pinagdadaanan kaya naman napakabitter ng tanong, kung baga sa nobela ng mga batikang manunulat, mapapaiayak ka.

              Siguro nasa 4th grading na yan kaya napakahirap sa part ko, kasi nga hindi naman ako matalino tulad ng mga Valedictorian na naghahakot ng bilog na bakal na nakalagay sa isang makulay na tela. Ako yung tipong tao na hindi mo maasahan na magpaparty ang magulang kasi nagkaroon sya ng top. Pano kaya kung nagkaron ako ng top nung grade III ako? Baka atakahin sa puso ang mga nasa bahay? Baka ipaalbularyo nila ako at baka naengkanto ako? o baka magpamisa sila?

              "Life goes on no matter what happens"

             
Ipagpatuloy mo kung ano ang nasimulan mo. Wag mo sisihin ang guro mo kung bakit hindi ka nagiging achiever at wag mong panggigilan ang mongol mo dahil hindi mo na solve ang problem ni aida nung bumili sya ng apple. Isipin mo na ang lahat ng nangyari ay bunga ng kagagawan mo at ng classmate mo kasi hindi sya nagparaya (biro lang !). Isipin mo na kung kaya ng iba kaya mo rin.



            

Sabado, Mayo 14, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- VI --)

-- VI --

           Nagpatutorial ako dati nung bakasyon ko nung grade II, kasi hindi naman ako kasing talino ng inaakala ng iba at syempre inaakala mo. Naiinis talaga ako sa asignaturang GMRC kasi pano ba naman pang grade V na yung nakalagay sa libro at puro malalalim na ingles ang sasambulat kapag nagexam ka, siguro wala talagang pinipiling edad ang vocabulary lesson, ayos lang sana kung ang tanong ay :

kapag nadapa ang classmate mo anong gagawin mo?
a. titingnan mo
b  tatawanan mo
c. aasarin mo
d. lahat ng nabanggit

edi ayos pa ang buhay. sagot ay d. lahat ng nabanggit, titingnan mo pagkatapos ay tatawanan at aasarin mo simple lang diba ?! Bakit kasi pinapabigat nila ang buhay kung may mga tanong naman na ganyan. Hindi ko talaga alam kung anong nahigop o nalanghap ng guro namin, siguro makagawa lang ng exam ayos na, Buti na lang hindi uso ang quiz samin non at lagi mo na lang talagang poproblemahin ay ang assignment mo.

             Unang araw ng tutorial ko, syempre handang handa ako at ang damit ko ay mickey mouse pa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nun kung magiging proud, magiging masaya or mahihiya kasi nagpatutorial ako. Nainis talaga ako sa magulang ko nun kung bakit ipinasok nila ako dun, pakiramdam ko tuloy pinagtatawanan ako ng mga kapitbahay namin at kalaro ko. Naging maayos naman ang lahat tinuruan ako ng adviser ko at every day sya binabayaran. Unang tinuro sakin ang english, kung paano ang wastong paggamit ng mga salita, tamang pagbigkas at tamang pagtaboy sa KPOP na talaga naman ay hindi ko maintindihan ang kanta (biro lang hindi pa uso ang KPOP non). Araw-araw ganon ang buhay ko english kung english talaga. Sumunod naman na linggo ay ang pinakakinatatakutan at pinakakilabot na asignatura, ang math. doon tinuruan ako ng makabagong paraan- kung pano magadd. magminos, magdevide, magmultiply na simula ay tens hanggang sa umabot ng thousands, sakit sa bangs.

           Sumunod na linggo pagkatapos ng Math ay ang Sibika at Kultura, doon itinuro sakin ang anyong lupa, anyong tubig at mga nagaanyong tao lamang, Idinagdag pa ng guro ko ang philippine history kung san ipinaliwanag ang pagkakamatay ni magellan sa Mactan, ang mga bayanng lumaban sa mga kastila at mga digmaan sa pagitan ng katipunan at Kastila (maging ang gupit ni Jose Rizal kapag nagpapagupit sa barber shop). at ang huli ay ang pinakamaganda at pinakagusto kong asignatura, ang Filipino. Kahit ilang beses pa ipaulit sakin yan kabisado ko na yan, ang pangalan, pang-uri, pandiwa, pangabay, at marami pang iba. Kaya hindi naman ako nahirapan sa huling linggo ng tutorial ko (mas mahirap pa nga magpagupit kasi nakakakiliti) at instant sikat ako pag uwi kasi tuwang tuwa ang nanay ko sakin at yun nadagdagan pa ang pangmeryenda ko, pakiramdam ko nun scholar ako matapos ipasok sa rehabilitation center.

           Ganon pa man nagpapasalamat din ako sa mga magulang ko at sa adviser ko na kahit papano, may natutunan akong kaalaman (pero hindi ko parin maintindihan ang english). Pinilit ko talagang intindihin ang mga salitang ingles na nakakapagpakababag sa aking isipan. Kung sa bagay sabi nga ni Julia Penelope, "Language forces us to perceive the world as man presents it to us". Isa pa ayaw ko naman makuntento sa isang dayalekto or linggwahe lamang.  Tama si Martin H. Fischer, "Any man who does not make himself proficient in atleast two languages other than his own is a fool". Kaya hindi ko na medyo kinatatakutan ang english. Math na lang talaga ang bumagabag sakin noon. (Fact: siguro ito na ung pinakamaikli na part ng Walang pasok! Basa ang chalk board!)

Martes, Mayo 10, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- V --)

-- V --


           Ayan at tapos na tayo sa usapang plagiarism na sakit na ng tao hanggang ngayon miski nung high school pa ko eh madalas na gawain ng tao yan. Ako kasi, ginawa ko lang to para maisabuhay ang kalokohan ng mga estudyante maging ang nakakaawang buhay namin dati hanggang ngayon, kung tutuusin parang valedictory speech lang to. (valedictorian ka ba?).

          Grade II ako ng maranasan ko ang pagpapahirap samin ng guro. Batas militar nga sa loob ng silid aralan namin nun eh, araw araw may assignment, kulang na lang sabihin namin na "ma'am wala kaming assignment, iniwanan namin kasi kung dinala namin yun hindi na homework ang tawag dun, school work na yun" (pilosopo); araw-araw puro sulat kaya naman kawawa ang bulsa ng nanay namin kakabili ng lapis. (bukod pa sa pagsusulat, naglalaro pa kami ng bato batopik at kung sino ang talo, kakaltusan ang lapis).

          Siguro hindi na namin maiiwasan ang Good Manners and Right Conduct na subject na nagtatanong ng "kung may tatawid na matanda sa kalsada, anong gagawin mo?". Pero ayos lang naman kasi may history at usapang pangrelihiyon ang ilan sa mga pumasok sa GMRC namin. Bukod sa Right Conducts e may tumatak din sa isipan namin, ang umupo sa usupan at manahimik sa loob ng klase. Kasi sa panahon ni erap hindi pa masyadong effetive ang kasong Child Abuse. Hindi ko din naman masisi ang guro namin kasi napakakulit namin talaga kahit nagkaklase kasi si ma'am e nagtatawanan kami. Naalala ko pa ang guro ko, ginapos nya sa upuan ang kaklase namin, halos magkandalupasay kami sa sahig sa kakatawa tapos sya naman nagiingay parin kaya binusalan ang bibig nya, ayos nanahimik ang klase pero natatawa parin kami. Ala hostage taking ang scene at ang ransome ng hostage taker ay ang katahimikan at pakikinig.

            Lahat ng classmate ko nanahimik maging yung classmates ko na iginapos, nagtanda din sya. Gusto kasi ata ni ma'am habang nagmimisa sya eh tahimik. Sa loob ng klase namin parang ngtraining ka din ng CAT-I kasi mararanasan mo dun ang squat, chest up at ang pinamakahulugan sa lahat, ang SILENCE.

           Grade II din ako ng matutunan kong magcursive sa pagsusulat at hanggang ngayon ay dala dala ko, cursive writing kasi ang nagpapagaan ng buhay ko sa pagsusulat lalo na pagmabilisan at dictation ang pinapasulat samin. Sabi nga ng mga kapwa magaaral ko medyo maangas daw ako magsulat, yung iba naman na di nakaintindi  dyahe sa kanila yun, parang nagbasa sila ng sinaunang alibata.

             Nagkaroon din ako ng haytek na bag na hinahatak na nagpapagaan talaga sa buhay ko at nagpasikat sakin ng isang taon. Makabago na talaga ang panahon ngayon, akalain mo yon, yung bag may gulong na tapos yung hatakan eh pang high level ang itsura kaya naman nainsecure ang mga classmate ko sakin. Nung una nga parang ayaw ko pa nun kasi kakaiba talaga siya pero nung dinala ko nung 1st day yun, natuwa ang mga kaibigan ko at sinabi "magkano bili dyan?, ang ganda naman."

            Nagkaron din ako ng pencil case na may 2nd floor at puro monggol ang laman non. Marami akong lapis kasi nga dahil sa laro namin, kawawa yung mga natatalo samin, parang binagsakan ng langit at lupa at magpapabili ulit ng lapis yun para makabawi samin, Marami akong kabalbalan nung bata ako, nanuntok ako ng isang babae. Hindi ko alam ang gagawin ko kung papasok ba ako para magtago o haharapin ko ang mga otoridad at sasabihin kong wala akong kasalanan. Hinarap ko magisa ang kasalanan ko kasi hindi ko na pinapunta yung nanay ko, kung papapuntahin ko pa ang nanay ko baka doble ang sermon na matanggap ko. Ayun pinagsabihan ako ng nanay nya, halos hiyang hiya ako nun sa ginawa ko kasi kung ikaw ang nasa kalagayan ko, makakatikim ka ng sari saring salita, siyesta time kung baga mas maingay pa sa misa. Umuwi akong nakalaylay ang muka ko nun na parang sandamakmak na problema ang tumambad sakin, Pero atleast may Dragon Ball Z na nagpagaan sa kalooban ko, matatalo na ni goku ang mga android!

           Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako makasali sa top, naiisip ko na sila ba ang chosen one at sila lang ang nakakapasok sa top, pero hindi ako nainggit kasi nga alam ko na lahat ng tao ay may iba't ibang talento sa kahit ano mang aspeto. Malay ko ba hindi talaga ako bagay dun, ang alam ko lang naman kasi ay ang maglaro ng lapis at krayola sa klase.

        Nakakatawa din ang classmate ko kasi yung bahay nya mismo ay nasa gilid lang ng school namin, minsan nga pag wala siyang gunting mag me"May I go out" lang sya at boom may instant na gunting na siya, Kulang na lang pag exam dun siya kukuha ng sagot. take note ulit :mapalad ang mga bahay malapit sa eskwelahan.

          Maraming masayang alaala nung grade II ako, lalo na yung isa pang classmate ko na kalalaking tao ay napakaiyakin. Asarin mo lang ng unti iiyak na siya at malamang yari ka sa magulang nun kasi armalite na bunganga ang sasalubong sayo sa school at buti na lang nasawa na ko dun kaya nagpakabait na ko. Marami din akong tanong kapag nagtuturo ang guro, hindi naman masama magtanong eh sabi nga ng tropa kong si Confuscious, " Do not hesitate to ask a lesser question ". Sabi naman sa Chinese Proverbs, "He who asks a question is a fool for five minutes, he who does not ask a question remains fool forever". kaya hindi ako nahihiyang magtanong, kahit minsan e wala ng sense ang tinatanong ko. Minsan nga napapatanong ako kung bakit may tao sa loob ng TV eh. 
Hindi masama magtanong yun ang sabi ng nanay ko sakin. "Questions are the creative acts of intelligence", nakita ko lang sa internet.

         
 Siguro hanggang ngayon marami ka paring tanong sa buhay mo, (kung bakit napakainit sa pilipinas at hindi binabaha ang Cavite). Ako na nagsabi sa inyo, na masaya at nakakatuwang mag aral, hindi mo dapat sinasayang ang mga panahong nakalaan sayo, yung panahong bumabagyo at pumapasok ka parin para sa baon. Tsaka sa school mismo dun mo matutuklasan ang sarili mong talento, talento kung pano magutya at mangasar. 
             

           

          
           

Linggo, Mayo 8, 2011

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- IV --)


-- IV --             
         
           Naiinis talaga ako kung bakit nauso ang mga gaya gaya sa daigdig at isa ako dun, totally hindi ko ginaya ang likha ni bob ong, kung makikita naman lahat ng words na nilagay ko na nanggaling sa master piece niya ay credit niya mismo, ginawa ko lamang batayan ito sa pinopost kong blog at hindi ko yun inangkin. Ang panggaya o Plagiarism hika nga na ayon kay wiki, kapitbahay ni google, ni yahoo, ni facebook at ni twitter sa internet, dinescribe nya as the "wrongful appropriation," "close imitation," or "purloining and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions,". May pagkakahalintulad kami magsulat pero mas nagevolve siya kung baga high level ang dating nya na hindi tulad ko ay isang bagong writer lang, school journalist, news writer at E-I-C ng school paper namin. Kahit noon pa man e ganito na ko magsulat kaya nga minsan pinapagalitan ako kasi masyado daw akong aktibista magsulat at minsan masyado daw akong nagbubunyag e sa ganito ako eeh, wala kayong magagawa sabi nga ni Dr. Jose Rizal " ako'y isang manunulat, ang isang manunulat kahit saan mang aspeto ay kalaban niya ang lahat maging ang sarili niya".

       Alam mo may mga ideya talagang nagkakaparehas pero normal sa isang writer ang magkaroon ng isang ideya na kapareha ng isang ideya na may kapareho ring isang ideya. Kapag may nalaman kayong bagay, dapat angkinin nyo na yun at itago ito sa kasuluksulukan ng aparador mo, maging ang isang salita kapag lumabas na sa isang bunganga ng tao at iyong sasalitain ay mababansagan ka ng gayagaya, tama kasi sa kanya unang lumabas ang salita.

       Mas nanaiisin ko pang tumalon sa ilog kesa magsulat sa wikang ingles at tama yang nakikita mo. Pinili ko ang Pagsulat ng balita sa wikang filipino kasi mas komportable  at mas maiintindihan ko lahat ng nilagay ko dun maging ang pangulong tudling (lead) ng isang balita. Hindi ko din iniisip kong babasahin ng tao ang gawa ko, ang gusto ko lang naman kasi ay maibahagi ang nalalaman ko sa kanila na akma sa kaisipan nila nang sa ganon ay magustuhan nila. Hindi kasikatan ang mithiin ng isang manunulat. Sa pagkakaalam ko nga ilan lang ang nagbabasa nito. Kaya sasabihin ko na sa inyo hindi ako nanggagaya ng likha, kaya hindi ito plagiarise.

       Lumabas tayo ng school at usapang kalye tayo. Nakakainis isipin na sa bawat magkakaibigan, nagkakaroon ng mga namumuno, yung tipong susunod sa kanya ang mga kalaro niya at ipaplagiarise lahat ng ginagawa niya- tumalon man sya, lumakad man siya, tumakbo man sya kulang na lang kapag pumunta sya ng kubeta sumama lahat ng taga sunod niya. Naiinis ako sa bading na yun at hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na kung bakit ko sya naging kaibigan. Kung sa bagay hindi pa kasi nagsisilipat ang mga mukang tao nun sa village namin at unti pa lang kaming nakatira sa street na yun.

       Grabe ang impluwensya niya, kulang na lang tumakbo siya bilang senador at malamang, yung mga walangyang kalaro ko ang mga unang boboto. Aaminin ko na nung bata ako gaya gaya ako pero hindi sa paraan na susunod ako sa kanya (hindi pa ko nabubuang at may sarili pa kong utak na nagpapakilos sa aking katawan). Kung ano ang uso dun ako oo pero siguro yung kaibigan kong bakla na yun, ai naku kahit wala sa uso yung ginagawa niya kahit panahon pa ng metal ay talaga naman sinusunod ng mga followers nya (swerte pa nga nun walang twitter).

       Siguro lahat ng laruan ng mga kaibigan ko ay meron din ako, ayan sabi ko nga sayo na gaya gaya ako pero hindi ko inangkin ang mga laruan, may manufacturer yun eh. Halos sunod sa luho kaya kahit anong gusto ko ay nasusunod- trumpo, beyblade, crush gear, lets go, teks, pogs, magic card and so for, lahat yan nabili ko. Pero hanggang sa nadedevelope ang utak ko naiisip ko na mali yung ginagawa ko, dapat unique ang binibili kong laruan ng sa ganon ay wala akong kapareho.

       Naisip ko din na oo dapat maki ayon ka kung ano ang uso pero sa pananaw ko ay hindi sa lahat ng bagay. Pano nung isinilang ka uso ang abortion, edi yari ka ?! Kung uso yung drugs at lahat ng tao ay makikiuso, san kaya kayo pupulutin? Kaya maswerte ang mga taong hindi umaayon lagi sa uso. Laging tandaan na just be your self! kahit alam mong naglipana sa daigdig ang mga gayagaya. Ang sarili mo ay ang mismong sarili mo na hindi kayang iplagiarise ng iba.


Lunes, Mayo 2, 2011

walang pasok! basa ang chalk board! (-- III --)

-- III --

           Sa totoo gusto ko makagawa ng libro kaya naman itutuloy ko na to (mura lang naman ang pabook bind eeh). Gusto ko maishare ang mga nalalaman ko, sabi nga "share what you have learned" kaya ibabahagi ko ito (sinusulat ko tong draft na to habang kasal ni prince wiliam at kate, pero wala silang kinalaman dito kaya hayaan mo na. Swerte mo kung mabasa mo to)

           Unang pasok ko sa grade I, ito yung steping stone, unang tatapakan mo. Sa private school ako pinasok ng mga magulang ko kaya naman tuwang tuwa ako, yung school bahay lang talaga  na nagtransform sa classroom at nasa loob ng street yun pero improving sya ngayon (oo tama ka autobots sya). Isa yon sa mga private school sa Salawag, Dasmarinas City  pero nasa kalahati na ata ako ng taon nun kaya nawalan ako ng libro, buti na lang malupit yung nanay ko kaya naman pinaxerox nya yung mga libro, nakakaawang nilalang talaga ako nun nong grade 1 ako, siguro mas iisipin mo na lang magfacebook (alangan wala na nga daw friendster eh) kesa pagtyagaan mo yung libro na xerox lang pero ako na nagsasabi senyo na nagbibiro lang ako, mas masaya kaya magaral.

            Mahalaga itong unang hakbang ko, nakakatuwa yung mga kamagaral ko na wala pa sa ulirat na kung titingnan mo ay laging bagong gising kumbaga para parin akong nasa NKP. Nagaccelerate kasi ako kaya nasayang ung diploma eh, nabawasan tuloy ng koleksyon pero ayos lang naman kasi mukang bagong panimula to para sakin. 20plus lang kami sa loob ng silid aralan, anluwag pa ng surface at volume sa loob ng silid aralan namin. Hindi pa problema ng tao ang love non kasi musmos pa lang kami, ang problema lang namin ay ang baon namin at assignment araw araw.

            Sa private school na yon, dun ko naramdaman ang sakit at hirap. Sakit kasi habang nagaaral kayo ng Computer Lesson ay pinapalo ka ng pricipal mo sa kamay kapag nagkamali ka, TAKE NOTE: principal namin ang pumapalo. Nakakahiya nga kasi pagpasok ko sa computer lab ay normal pa ang kamay ko, paglabas ko ay parang nagbabaga na ang kamay ko sa sobrang sakit. Parang daig pa silya elektrika ang kapalit ng pagkakamali sa Computer lesson pero atleast natuto ako. Sabi nga "hirap muna bago ang sarap" (masarap pagkain ba yun?)

            Meron din kaming GMRC non o Good Manners and Right Conduct kaya lumaki akong mabait, yun nga lang english kasi kaya hindi ko magets kaya minsan tinutulugan ko na lang. Ikaw ba naman na grade 1, babasahan ka ng malalim na english, edi para ka lang nakipagusap sa hayop na hindi ka na hindi ka naiintindihan. Maganda pa ang Sibika at Kultura malalaman mo kung ano ang mga anyong lupa at anyong tubig sa bansa (kahit anyong hayop marami dyan). Malalaman mo din kung sinu-sino ang mga bayani ng Pilipinas  (pati yung lunch ni Jose Rizal bago sya mamatay, anong brand ng ballpen ang favorite nya, at kung bakit nailagay yung ulo nila sa barya). At sa lahat ng pinakakasuklaman kong asignatura ay ang MATH, doon basic pa lang kaya ayos pa, tuturuan ka don magadd, magsubtract, magdivide, at magmultiply (at huminge sa nanay mo ng dalawang piso pandagdag sa baon mo). Sa Science naman madali lang kasi parts of the body lang yung tinuturo.

                  Sa grade 1 talaga wala kang matatago kahit yung maliit mong quiz hindi mo maaring isik isik sa butas ng pader yon at hindi rin uubra ang palusot na "nawala po" tapos makita yung card mo na may palakol eh malamang armalite ng nanay mo ang sasalubong sayo (with matching laway pa yun). Kaya dapat pag may quiz magaral kayo, gasino lang ba naman na magdagdag at magrefresh ng kaalaman para may masagot sa exam di ba? Alam nyo ang mga guro ay "taga lagay lang ng output kung ano ang nagawa niyo", malamang magkakaroon ka ba ng 83 kung nakatunganga ka lang at tulo laway ka pa. Minsan yun kasi ang namimiss interpret ( wow english yun aah) ng tao pero sa bandang sulok talaga at kahit sisirin nila ang pacific ocean para malaman ang katotohanan, bata ang mismong may kasalanan.

             Hanggat maaga, magaral ka. wag mo isisi sa baon mo kung bakit di ka nakakapasok as if naman na sagutin ka ni Emilio Aguinaldo ng limang piso di ba? Wag mo din isisi sa nanay mo kung bakit si emilio lang ang binigay sayo, pano ba naman, may chocolate drink kana may sand wich ka pa (ganon kasi ako nung bata). Kaya isipin nyo naman talaga na lubos na mapalad ang mga taong nakakapagaral kesa sa mga nagjojolens at nagpopogs lang sa kalsada.


               

Linggo, Mayo 1, 2011

walang pasok! basa ang chalk board (-- II --)

-- II --

        Siguro nung bata kapa, nginangatngat mo din ang pambura ng lapis mo para makapagbura? Di  naman kaya'y nakikipagunahan sa pagsulat ng nakalagay sa pisara? Nagtutupi ng papel para makagawa ng eroplano? Nakikipagbato bato pick?
       
            Sa totoo lang nung bata ako simula prep hindi ako nagpapahatid sa magulang ko, kasi ituring ka pa naman sanggol (eh bata ka pa nga nun?). Nakita mo na siguro noong ika'y musmos pa lang at papasok na sa prep, yung mga bata naglulupasay, umiiyak at sumisigaw (daig mo pang nasa mental). Kasi simpleng bagay lang naman, gusto ng mga magulang nila na makapagaral sila at matutong mamuhay sa paaralan na ang kasama ay classmates lang. Doon ko unang nakaharap ang black board, nagtaka nga ako dati kung bakit black board ang tawag dun kahit na green ang kulay nito sa totoo lang.

           Unang pasok, unang kaligayahan kasi para sakin ay isa itong adventure, yung tipong may thrill. Syempre una sa lahat ang payabangan, paramihan ng lapis, pagandahan ng pencil case, pakapalan ng papel, at palupitan ng bag. Uso pa naman dati ang digulong na bag na lalagyan ng mga libro namin at nagpapagaan ng buhay namin sa pagpasok. Sa klase din na yun makaclasify mo sila, (oh diba may classification din sa NKP noh?). Una yung mga wild, sila yung ayaw pumasok ng paaralan  at gusto sumama sa tadyang ng nanay nya na kahit anong paliwanag ay wa epek sa kanya, minsan sya ang VIP sa unang klase kasi sya ang unang napapansin ng teacher, pangalawa ay yung mga iyakin lang, sila ay umiiyak lang kapag iniwan ng nanay nila, hindi sila tulad ng mga wild na naglulupasay sa sahig, pangatlo naman ay yung mga cool, kahit iwanan lang ng nanay nila eh ayos lang sa kanila, laging chilax at parang matagal na syang nagaaral (may baon naman eh, chaka proud yung nanay nito). Pang apat ay yung mga sutil, sila yung iiyak at tatakbo sa labas ng classroom para habulin yung nanay nila, mas malala pa ito sa wild. Ito lang yung mga napansin ko sa unang klase ko sa paaralan kaya nakakatuwang alalahanin sila.

        Napakabait talaga ng teacher namin non as in hindi ka magsisi na nagaral ka sa paaralan na yun. Kasi akalain mo ba naman, susubuan ka ng teacher mo ng pagkain kapag recess time, ang sarap di ba? Chaka masaya talaga kapag nasa NKP ka, ikaw yung tipong naglalarong nagaaral (combination ng naglalaro at nagaaral) kasi lahat ng paglalaruan mo nasa loob na mismo ng classroom niyo. Malamang hindi ka talaga mababagot nun (sayang mo lang hindi pa uso ang DOTA nun).

         Sa School madalas eh paligshan ang lalahukan mo, ala gameshow ang dating kaso ang price ay hindi cash kundi grade at bituin sa kamay. Naalala ko nung NKP pa ko, ang pinakamaraming stars sa kamay ay malamang magaling yun. Iyon kasi ang palatandaan ng mga batang very good eeh. Nagkaroon din ako nyan umabot nga sa braso kulang na lang tatakan ka sa muka tapos pag uwi mo eh pagkakalat mo sa chismoso mong kaibigan na may star ka sa kamay, mamamangha ang kaibigan mo at sasabihin sayo "wow ang galing mo naman pano mo nakuha yan?" tapos yung nanay mo daig pa ang nanalo sa weteng, tuwang tuwa! Mas nanaisin mo na hindi na maligo para very good ka araw araw, eh pano naman yung mga hindi nakakuha ng star? Ah baka ang nakareserve kasi sa inyo ay ang solar system, baka hindi kasya kaya hindi tinatak.

         Sa NKP doon ko din naramdaman ang unang pagkamuhi ko, yung tipong pinagkaisahan ka ng tao tapos bumaliktad ang panahon para sa'yo, Christmas party ba naman, syempre may kainan at pagkatapos nun eh bigayan na ng regalo. Sa pagaakalang maganda ang nakuha ko ay agad agad ko itong binuksan. Hiniling ko muna na sana ay robot yun o kotse kotsehan para madagdagan ang mga magaganda kong laruan ko pero dun ako nagkamali, ang nakuha ko ay isang teleponong sumasagot ng "may I help you?" at kumakanta ng barbie, doon ko narealize na  may mga bagay talaga na hindi para sa'yo. Sa halagang 100.00 pinagkaluno ako ng nakabunot sa pangalan ko.


           Ansaya maging bata, kasi makikita mo yung walang problema na nakangiti at masaya naman talaga na bakas na sa pagmumuka nila, yung tipong ok lang lagi. Hindi pa kasi uso ang projects non bata pa ko eeh, wala pang exams per month at higit sa lahat wala pang clearance. Hindi pa ramdam ang gravity ng pagaaral non (na 9.8m/s kung hindi ako nagkakamali?
). kahit nagaaral ka, mas lamang parin ang laro lalo na paguwi mo sa bahay ay maglalaro ka na lang kasama ang pawisin at matataba mong kaibigan tapos sa gabi ay magaaral ka uli kasama ang iyong nanay


              Masarap balikan ang nakaraan, lalo na nung bata ka pa lang at pinapainom ka pa ng gatas ng iyong nanay at sisigawan ka pa kasi pasaway ka. Yung tipong lahat ay magagawa mo kasi bata ka, pwede ka manuntok sasabihin lang ng tao " wag mo patulan bata yan eeh". Kasi nga hindi ka nila maari patulan baka makasuhan sila ng child abuse.
 
                 May kasabihan ngang "Ang iyong mga alaala ay isang kayamanan" (maari bang isangla yan?). May isa pa ngang kasabihan na " the past is a part of your future " kaya naman madaming nagiisip bata, biro lang! hay... buhay nga naman talaga mabilis lumipas ang panahon, talaga naman na ang alaala mo nung bata ka pa ay isang alaalang hindi malilimutan.

Walang pasok! Basa ang Chalk board! (-- I --)

         Nainspired ako sa thoughts ni bob ong since nabasa ko yung book na abnakkbsanaplako? It is awesome as in related sakin yung mga kaisipan na nilagay nya sa libro.

        Masaya akong nagaaral ko, yes and I'm proud of  it. Sabi nga nila Edukasyon lamang ang hindi mananakaw sayo (siguro?). Tanging yaman din daw yun? (sana nga ...).

       Isipin mo na lang dalawang dekada ka lang magaaral, kung di mo pagtatyagaan; limang dekadang paghihirap ang kapalit nun. oh di ba lugi ka pa? Sabi nga yun ni bob ong, tama naman pero sa sarili kong pananaw "mas mabuti nang may nalalaman kesa magsakripisyo sa kahangalan". Isipin mo na lang, mas maswerte ang mga nakakapasok sa mga paaralan kesa sa mga taong pagalagala na lang sa lansangan. Mapalad talaga yung mga taong yun pero sinasayang lang nila.

         Sa 12 taon ko sa paaralan siguro may nahikayat na kong tao, marami na rin ang naligaw ng landas na binabagtas, (na wrong turn sila) at may mga taong nagsisiskap magaral dahil nga hindi pa sila kuntento sa nalalaman nila (8gb kasi yung utak, ang laki ng memory). Malamag hindi mo masisi ang mga naligaw na, wag mo na sisishin eh naligaw na nga eeh. Chaka siguro yun ang kaligayahan nila.

          Maswerte talaga yung mga napasok sa eskwela, akalain mo yun mararanasan mo yung halo halong emosyon (maging halo halong baho ng kamagaral mo, biro lang! ). Mararanasan mo kung gaano kasaya ang pagaaral, kung pano malate, pano magreview at pano hulaan ang exam sa multiple choice at true or false. Oha magaling ka kung tatama yung sagot mo.

        Di ba nga sabi rin ni bob ong sa loob ng klase makakaclassify mo yung mga taong nasa paligid mo (tao nga ba?). Una dyan yung Sikat, sila yung taong mahilig sumali sa mga extra curricular activity, Student Council at myembro ng kapitapitagang school paper ng paaralan nyo, siguro kasama ako dito EIC ba naman eeh. Pangalawa yung "commoners", sila naman yung taong masaya na makapasok lamang at hindi bumaba ang grado nila ng 80 pababa. Pangatlo naman yung mga ala "eistein" ang dating, magaling na sa science, magaling pa sa math (ayos jackpot ang nanay nito!). Sila yung mga achievers ng klase at active sa mga recitation. Pangapat naman ay yung mga "sporty type", ito yung mga taong varsity daw, kasali sa mga sport events ng school, mga matitikas yan brad (bakit may payat namang varsity ha?). Panglima naman ay yung nakatira sa "gangsters paradise", sila yung mga mahilig mambuli ng tao, minsan trip lang nila. Panganim ay yung mga nakatira sa Mars, ala kokey ang dating, may sariling mundo na hindi akma sa reyalidad ng tunay na nangyayari. Pangpito  ay yung mga mambabasa, sila yung mga taong readers daw kuno kung tatawagin. Makikita mo nagbabasa yan ng makakapal na libro para sa asignatura nyo (pero pagbuklat mo ng libro sa gitna may isa pang maliit na libro pinamagatang "kristine series"). Pang walo naman ay yung mga "suki ng computer shop", gagawin ang lahat makapaglaro lamang. May schedule yang mga yan, pagtapos ng klase, it's DOTA time! Sila yung nagtitiis ng gutom tuwing recess at yung baon nila nilalagay nila sa kagagalang galang na tagapagbantay ng computer shop. Pangsyam naman ay yung mga "suki ng kantina", sila ay sagana sa pagkain. Paano ba naman hindi magugutom, pagkatapos ng bawat asignatura nila ay pupunta sa kantina para bumili ng pepsi at fudgie bar (oops nagadvertise ako sorry ). Pangsampo naman ay yung mga "alipin". Sila naman yung bubuntot sa guro nila, magaantay ng iuutos or hindi naman kaya sila lang talaga ang paboritong utusan (sayang din ang .5 sa grade no?). Panglabing isa naman ay yung mga "buraot", buraot na sa pagkain, buraot na sa assignment at buraot pa sa exam, paboritong motto nila kapag nangongonsensya sila ay "it is better to give than to receive" at "share your blessings", mayayamot ka talaga kung sila yung kasama mo at masasabi mo pa sa sarili mo "bakit ako ang nabiktima, san ako nagkamali" o "bakit dito pa ko nagaral", para ka tuloy nabiktima ng budol budol gang pero minsan may silbi din sila; MINSAN lang. At ang pinakanakakaawang nilalang sa paaralan nyo ay ang mga heartcrab, ai este heartthrob, sila yung mga taong mapalad sa pagmumuka kasi halos lahat ng kababaihan napapamahal sa kanya, siya yung tipong taas kilay kapag naglalakad gwapings ba naman eeh.  Ayan na ung mga naclassify ko, di ba ansarap magaral? Kung hindi ka papasok hindi mo sila makakasalamuha.

          Lahat ng bagay ay maari mong malaman kapag nagaral ka (kung totoo bang partner ni robin si batman at bakit nauna ang pantalon ni superman bago ang brip). Isipin mo na lang sa bawat 10,000 tao sa bansa, kalahati lang nun ang nakakapagaral (yung 1/4 nun nasa computeran). Grab your oppurtunity sabi nga. Alam mo sa buhay ay normal lang mabigo, bumagsak sa quiz, mapahiya sa klase dahil hindi ka gumawa ng assignment, gumawa ng sandamakmak na project and so for. Kung madapa ka man sa landas na iyong tinatahak (eh yan ay bunga ng katangahan), bumangon ka. kahit magkanda gulong gulong ka dyan, lumilipas parin ang oras at ang mundo ay umiikot. Hindi titigil ang mundo sa pagikot dahil lamang sa isang homosapiens tulad mo. Naalala ko pa yung una kong kabiguan sa buhay, hindi ako nakapasok sa UP, antaas ng standard pero ayos lang its part of our life atleast na try ko magUPCAT.

          Sabi nga sa pagtatiyaga, may nilaga (pudpod na tong kasabihan na to). Tama magaral ng maigi, alam mo sayang kung hihinto kayo, manghihinayang ka talaga sabi nga ni bob ong "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

           Ako hanggat may panahon magaaral ako, sabi nga eh "it is better to fail in doing something than to do nothing ";  di ba? Make sense?! Mamulat kayo sa katotohanan, baka solar system lang hindi nyo pa alam sige kayo. hahaha :P
         





         

Huwebes, Marso 31, 2011

mula sa christmas box

Nainspire ako sa kwentong "the christmas box" na pinahiram sakin ng isang kong friend. It is the story of a loving mother na namatayan ng isang anak at hindi nya man lang napadama sa anak nya ang pagmamahal ng isang ina.

Mula sa kwentong "The Christmas box"
Sa sarili kong pagkakaintindi
 May mga kasabihan ngang:
 "A mother is a person who seeing there are only four pieces of pie for five people, promptly announces she never did care for pie. "

sabi nga ng iba, lahat gagawin ng ina mabuhay lamang ang kanyang anak. Hindi nya matatanggap na naghihirap ang sarili nyang anak. Sa inyong palagay? Ano ang pinakamahalagang Christmas gift na natanggap mo ever? is it a material or an object such as toy, game gadgets, and dress? Malamang hindi nyo alam kung ano yun at kung ano ang first Christmas gift na natanggap; mo.



          May isang pamilyang naghahanap ng trabaho. Sila ay may kaya ngunit kailangan nila ng sapat na pera upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at mayroon din silang isang anak na babae. May shop sila ngunit hindi din iyon sapat. "hon may nakita ako sa Classified adds kaninang umaga, nangangailangan lang sya ng kasama nya sa bahay", sabi ng babae sa kanyang asawa. "sige puntahan natin yan at magapply ka,"

          Pinuntahan nila ang bahay, mukang nababalot ito ng malaking misteryo. mejo may kalumaan ang bahay ngunit malaki kung titingnan. nadatnan nila ang care taker ng bahay " hmmm. mawalang galang na po, sino po ang sadya nila?" tanong ng isang trahabador ng bahay. Siya lang kasi ang kasama ng matandang babae na nagmamay ari ng bahay.

"nandyan po ba si ammie?" tanong ng babae sa trahabador na pangalanan nating si joel.  "Kayo po ba ya magaaaply bilang kasama ni amie sa bahay? sige po pumasok po kayo at intay lang po tatawagin ko lang sya.", sagot ni joel. Lumabas si ammie at kinausap nya ang babae. "halika iha, doon tayo sa kusina at kayo'y kumain muna" sabi ni ammie. "maraming salamat po" sabi ng babae. "ano ang iyong pangalan iha?" tanong ni ammie sa babae. "Rose po ang pangalan ko ma'am ammie", sagot ng babae. "wag mo na kong tawaging ma'am ammie", dagdag ni ammie. "simula ngayon ikaw na ang kasama ko sa bahay rose, pagkakatiwalaan kita," sabi ni ammie.

"ganto lang naman ang routine dito sa loob ng bahay, kakain ako ng 10:00am, breakfast at lunch ko na yun, hindi ako nagaalmusal sa umaga. Magmemeryenda din ako bandang hapon at magdidiner ako ng 7pm. Dapat sabayan nyo ako sa pagkain at dito na rin muna kayo manatili. Bukod sa routine sa pagkain, gusto ko din na palaging malinis ang loob ng bahay at si Joel na ang bahala sa labas ng bahay, nakaayos na yung kwarto nyo sa gilid at maari nyo nang ilagay ang mga gamit nyo doon," utos ni ammie

"maraming salamat po, ammie at pagbubutihin ko ang trabaho na nakaatang sakin" sabi ni rose.

 Mukang ang bilis ng pagyayari at doon na nga muna sila tumira. Napatanong sa sarili si Rose "bakit kaya nagiisa lang si Ammie> Wala ba syang asawa o anak?" malapit na rin magpasko nun at ramdam na nila ang simoy ng malamig na hangin na dumadampi sa kanilang mga balat.

"Ammie kakain na!" sigaw ni Rose.
"sige Rose kain na tayo" sagot ni Ammie
"Malapit na pala ang pasko no? Kumusta naman ang pananatili nyo dito sa bahay, may kailangan pa ba kayo? wag na kayo mahiya sakin, isang pamilya tayo dito loob ng bahay na ito." tanong ni Ammie
"wala na Ammie, sa totoo nga lang lubos na ang inyong mga ginawa samin kaya naman nagpapasalamat kami sa inyo lalo na ang anak ko.
"tama po tita ammie! thank you po!"
"Ang cute talaga ng batang to! Dito ka muna kay tita." sabay karga ni ammie sa bata.
"bibili kita ng laruan ha pagalis ko ngayon, ano ang gusto mong laruan"
"kahit doll lang po, ayos na ko dun tita! Salamat po" sabay halik ng bata kay ammie.

tuwang tuwa si Ammie at biglang napaluha, "Bakit ka po napaluha tita?" tanong ng bata. "wala napuwing lang ang tita" sagot ni ammie sa bata.

"sige mga anak alis na ako at kayo na ang bahala muna sa bahay ha"
"cge ammie maasahan mo kami" sagot ni rose.

napaisip si Rose kung ano ang dahilan ng pagluha ni Ammie habang karga nya ang anak nito. Naglinis sya ng bahay pati ang bodega ng bahay ay nilinis nya. may nakita syang isang box na puno ng mga sulat. 
"ano kaya ang mga ito at para kanino?" tanong ni Rose sa kanyang sarili sabay bukas ng isang sulat. dumating ang asawa nyang c Ramon at nagtanong. "Hon! ano yang hawak mo?"

"Isang sulat Hon, nakalagay dito na "mahal na mahal kita from love one" sagot ni Rose
"baka Love Letter lang yan?" sagot ni Ramon.
"hindi eeh parang may something dito, love letter na nakalagay sa Christmas Box? parang may kakaiba talaga." sabi ni Rose
"hay nako hayaan mo nga yan" sabi ng asawa ni rose na napatanong sa sarili nya kung para saan ang sulat na yun nakalagay sa isang mamahaln at mejo lumang Christmas box

Dumating si Ammie at umupo sa paborito nyang lugar malapit sa bintana, "Ammie, welcome back! may meryenda akon hinanda para sayo!" sabi ni Rose
"Magandang Hapon ammie" sabi ng asawa ni Rose
"magandang hapon din, halika saluhan niyo ko kumain at masdan natin ang magandang kalikasan na iyong natatanaw." sabi ni Ammie.
" Sige po!" sagot ng magasawa.
Maggagabi na at nakapagdiner na din sila. Pinatulog na ni Rose ang kanilang anak at naiwan sila Ammie at ang asawa ni Rose sa Kusina.
"Sa tingen mo Ramon, ano ang pinakauna at pinakamahalagang Christmas Gift na iyong natanggap?" tanong ni Ammie.
"Sa tingen ko, uhm yung laruan na binigay sakin nung bata pa ko" sagot ni Ramon.
napatawa si Ammie "dyan ka nagkakamali Ramon, balang araw ay matutuklasan mo din kung ano nga ba iyon" sabi ni Ammie
"Ano kaya ang dahilan kung bakit naitanong ni Ammie yun?" tanong ni Ramon sa kanyang sarili,

Muli syang bumalik sa bodega at nakita nya ang Christmas box na medyo kumikinangkinang. binasa nya ang mga sulat kung ano nga ba ang nakalagay at kung ano ang misteryong bumabalot kay Ammie. Gusto din yang matuklasan kung ano ang sagot sa tanong ni bumalangkas at tumatak sa kanyang isipan.
"Welcome sa ating mundo by love one." binasa ni Ramon. "tama hindi love letter ang mga sulat na ito. pero kung hindi love letter ito, ano ito at para san?" napatanong si Ramon.
      Bumalik sya sa kanilang kuwarto at tinanong nya sa kanyang asawa kung ano ang pinakauna at pinakamahalagang Christmas Gift na natanggap nito
" Hon hindi ko alam eh kung ano yun, hindi ko na matandaan at pano mo naman naitanong yan?" tanong ni Rose.
"natanong lang ni Ammie sakin kanina cge malalim na ang gabi tara na at magsitulog na tayo" sagot ni Ramon.

Kinabukasan ay gumising si Ammie ng maaga at siya ang nagluto
"Halika at saluhan nyo ko, kumain na tayo maaga ako nagising kaya ako na ang nagluto" sabi ni Ammie
"Nako po, salamat Ammie nakakahiya naman sa inyo"
"May pupuntahan kasi ako" sagot ni Ammie. Nagmamadali itong umalis kahit na masakit ang ulo nito.
"sige Hon at aalis na din ako, may pupuntahan lang ako" sabi ni Ramon.
"sige Hon magiingat kayo ha" sabi ni Rose

Umalis sila Ammie at Ramon ngunit magkasalungat sila ng daan. hanggang sa nakita ni Ramon si ammie na pupunta sa isang sementeryo na malapit sa shop nila. nakita niya si Ammie na umiiyak at hinaalikan ang isang maliit na puntod.


"Bakit kaya umiiyak si Ammie at Kanino kayang puntod yun?" tanong ni Ramon sa sarili

umalis si Ammie na nanghihina at nagtago agad si Ramon, pagkaalis ni ammie ay pumasok si Ramon at tiningnan miya ang puntod "in loving memories" "i love you my Daughter"

sabay nakita nya ang pangalan ng isang batang babae. iyon pala ay ang anak ni Ammie. Nagmadali syang pumunta sa bodega at muli nyang tiningnan ang Christmas Box, binuksan nya ang isang sulat "malapit na magpasko, mahal na mahal kita by love one.

Umuwi si Ammie na malungkot. umupo ito sa kanyang paboritong upuan at tila ba'y nakakapanibago na hindi huminge ng meryenda kay Rose.

Tinanong ni Rose si Ammie "bakit ka malungkot Ammie?" tanong ni Rose
"Ikaw ammie? ano ang pinakaunang at pinakamahalagang Christmas Gift na natanggap mo sa iyon buhay?" tanong ni Ammie,

            Napaisip si Rose, nanahimik at siya at inaya nyang kumain na si Ammie ngunit tumanggi ito. Naisip nya din ang tinanong ng asawa nya sa kanya naisip nya din ang Christmas box na sa loob ng bodega,

            Sinabi ni Rose kay Ramon kung ano ang sinabi ni Ammie sa kanya. Tila ba'y isang napakasimpleng tanong ngunit ang hirap malagyan ng sagot na talaga naman ay tumatatak sa isipan nila.

           Mabibilang mo na lang sa kamay na papalapit na ang pasko. Sumasakit ang ulo ni Ammie kaya naman ay ngpacheck up siya. Umuwi syang nakatulala at halata ang mga luha sa kanyang mga mata na halos wala nang maiiyak. Nakatulala syang pumasok sa bahay at umupo sa paborito nyang upuan malapit sa bintana

       " Rose! may ipagtatapat ako sa iyo" sabi ni Ammie
"Ano yun ammie ? bakit ka umiiyak at para bang ika'y natatakot?" tanong ni Rose
"Rose. (umiyak) may brain cancer ako at stage 4 na yun " malungkot na sinabi ni Ammie

          biglang napaluha si Rose sa natanggap na balita, hindi nya alam kung ano ang gagawin, kung dapat ba nyang kaawaan si rose o icheer up nya ito basta alam lang niya dapat nya damayan si Rose.


        Muka ngang halata kay ammie na may cancer sya kasi matagal na sya nalalagasan ng buhok. dumating ang anak ni Rose "Tita bat ka umiiyak at bakit nanalagas na ang mga buhok mo?" tanong ng bata pero hindi umimik si Ammie bagkos nginitian nya na lang ang bata,

          Dapat ko na sigurong tanggapin na mawawala na ko dito sa mundo sa ano mang araw ng buwan na ito (umiiyak). Malungkot na sabi ammie.
"huwag kang magsalita ng ganyan Ammie!" sagot ni rose na tila ba'y nababalisa at humagulgol. napamahal an kasi si Ammie sa kanila at itinuring nilang isang kapamilya si Ammie. Si Ramon at Joel din ay dinamayan si Ammie.

"Joel may alam la ba sa buhay ni Ammie?" tanong ni Ramon.
"unti lang brad, kahit sabihin nating matagal na kong naninilbihan dito kay ammie eh wala kong mejo alam sa kanya." sagot ni Joel
"ahh eh kaano ano ni Ammie yung nasa maliit na puntod dun sa sementeryo? tanong ni Ramon
"kasi nakita ko siya kamakailan, nandun sya sa harap na puntod at umiiyak habang hinahalikan nya ito" sabi Ramon.
"Sa pagkakaalam ko, anak niya ang ang nakalibing dun sa puntod na iyon, Madalas na talaga ni Ammie ginagawa yun," sagot ni Joel
"Salamat brad! ngayon malinaw na sakin ang lahat. ikaw brad, ano ang pinakauna at pinakamahalagang Christmas Gift na natanggap mo?" tanong ni Ramon
" Siguro sakin? yung pagsilang ng aking ina, yun siguro ang una at pinakamahalagang christmas gift na natanggap ko" sagot ni Joel

        Nagmadali syang pumunta ulit sa bodega at tiningnan ang christmas box na puno na sulat at may isang sulat dun na hindi pa niya nababasa, " I love you my daughter by Mommy" at napaisip sya. nagkamali sya sa sagot niyang laruan ang pinakauna at pinakamahlagang Christmas Gift na natanggap niya sa buong buhay niya.

        Ilang araw ang makalipas at ilang araw na lang abgo ang pasko, bumagsak sa sala si Ammie, nakita ito ni Rose at dali dali nyang tinawag si Ramon at Joel. dumating din naman agad ang ambulansya at naconfine agad si Ammie, Si Ramon ang nagbantay kay Ammie.

"Hon susunod na lang ako, aayusin ko pa yung damit ni Ammie!"

Binatanyan nila si ammie at si Joel ang nagbantay ng bahay. Nagdisperas sila sa Ospital kung saan nakaconfine si ammie. Nagluto si Rose ng masasarap na pagkain ay malamang, iyon na ang pinakamahalaga at pinamasayang pasko ni Ammie

"alagaan niyo ang anak niyo, at napakpalad niyo na nagkaroon kayo isang batang anghel!" sabi ni Ammie.
" oo ammie, uminom kna ng gamot mo.." sagot ni Rose
"Sige Ammie pupunta muna ako sa bahay at may aayusin ako tara anak at joel sabay na tayo.
"Sige Rose tra na." sabi ni joel

Nang umalis sila Joel at Rose ay nagusap sila ni Rose, " ano na? natuklasan mo na ang ang pinaka una at pinakamahalagang regalo na natanggap mo sa buong buhay mo? ako alam ko na ang PAGMAMAHAL AT KALINGA NG INA SA IYO ANG UNA AT PINAKAMAHALAGANG CHRISTMAS GIFT na natnggap ko, ikaw?
" tama ka nga Ammie" natuklasan ko na yun. iyon ang pinakauna at pinakamahalagang Christmas Gift na natanggap ko,

         Biglang nakatulog si Ammie at binantayan ni Ramon si ammie mula sa pagkakahimbing niyo. kinabukasan ay pasko na. nagulat sila nang hindi na humihinga si Ammie at tunawag agad ng doktor si Ramon. Sumugod agad ng ospital sila Rose at Joel.

" I'm so sorry to tell you, Ammie is dead." sabi ng doktor.
"ginawa na namin ang lahat ng paraan pero hindi pa rin namin naisalba ang buhay niya, Brain cancer ang tumama sa kanya at satge 4 na yun. hindi nya naagapan ang sakit nya. Im so sorry!" dagdag pa ng doktor.


         Hunagulgol sa iyak si Rose maging si Ramon at Joel pati ang anak nila. Halos maglupasay si Rose sa sakit na nararamdaman nya na nawala na si Ammie. May kasabihan ngang"

"Death is a debt we all must pay."
         Maaring mangyari ang kamatayan sa lahat na dapat tanggapin ng maluwag sa ating kalooban. Isa itong hamon sa buhay natin. Mahirap man ngunit ito ang riyalidad.

"Magkakasama na sila ng anak niya," sabi ni Ramon na umiiyak
"Joel tinawagan ko na ang kamaganak ni Ammie, siguro wala na kong dahilan para manatili sa bahay na iyon." sabi ni Joel
"Kami rin, wala na talaga tayong dahilan para manatili sa bahay na iyon at maghahanap na lang kami ng bagong trabaho"

       At umalis sila sa bahay na iyon daladala ang magandang ala ala na magkakasama sila nila Ammie. Ibinigay nila ang Christmas Box at ibinilin nila ingatan ito at dinalaw nila ang puntod nito maging ang puntod ng anak niya. naalala ulit ni Ramon at Rose ang mahiwagang taong ni Ammie na gumulo sa kanilang isipan "Ano ang pinakauna at pinakamahalagang Christmas Gift na iyong natanggap?"